Bilang 60 - Timpla Tayo

2 1 0
                                    

TIMPLA TAYO

Pahinge akong kape, para magising ako sa katotohanang wala nang kami.

Bigyan mo akong gatas, baka tumibay pa ang relasyon naming nagwakas.

Budburan mo ng asukal, baka sakaling tumamis bigla ang nawala nitong pagmamahal.

Tsaa, bigyan niyo ako ng tsaa! Gusto ko ng malinis ang pusong patuloy na umaasa.

Abutan niyo ako ng alak, gusto kong malasing ang pusong winasak.

                                                

                                          

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now