Bilang 59 - Wala Nang Natira

7 1 0
                                    

WALA NANG NATIRA

Ako ay inutusan,
Na mangutang sa tindahan,
Ng mantika at cornbeef na dalawang lata,
Sa patatas ito'y aming igigisa.

Uulamin namin sa tanghaling tapat,
Sa aming lima ito na ay sapat,
Hiniwa sa maliit ang patatas,
Sa paggisa naghalo ang katas.

Habang niluluto pa,
Akoy naligo muna,
Amoy na amoy sa banyo ang sarap,
Ng patatas sa cornbeef nalalanghap.

Kumulo agad ang akin tiyan,
Katawan ay mabilis na binanlawan,
Nagugutom na ako,
Kaya agad lumabas sa banyo.

Tuwang tuwa akong naglagay ng kanin sa pinggan,
Ngunit ng buksan ang ulam ay wala ng laman,
Parang hindi ako pamilya,
Ako ang nangutang ngunit wala ng natira.

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now