Bilang 11 - Ang Panty Ni Pacita

12 2 0
                                    

ANG PANTY NI PACITA

Sa bayan ng mahiwagang kakahuyan,
May marikit na diwatang Pacita ang pangalan,
Ang ganda at alindog na tinataglay,
Sa mga lalaki nagiging dahilan ng away.

Malapit sa batis ang kanyang kubo,
Malaya siyang sa batis nakahubo,
Sinasabit ang panty sa sanga ng puno,
At ito ang inaabangan ng mga hukbo.

Sa kanyang pagliligo may mga nag-aabang,
Madami ang nagbabagsakang bagang,
Ngunit hanggang tanaw lamang ang lahat,
Dahil ang lalapit magiging puno sa gubat.

Isang sabi-sabi lamang ang pwedeng makabihag sa kanya,
Ang kunin ang kanyang panty at gawing kurbata,
Ngunit nakasabit ito sa tuktok ng matarik na puno,
Sinasadya ni Pacita upang walang manuyo.

Lintek lamang ang makakapigil sa mga kalalakihan,
Pilit nilang inaakyat umabot man ng magdamagan,
Ngunit sa tuktok walang nakakaabot,
Maliban sa binatang may karneng suot.

Si Ilo na may pasan na sampung kilong karne,
At pinagtatawan ng mga kapwa lalaki,
Dahil walang araw na walang baong karne si Ilo,
Tampulan man ng tukso ngunit hindi siya sumuko.

Nauubos man minsan ang karneng naidadala,
Dahil pinamumulutan ng mga nakakasama niya,
Minsan nilalapa ng mga leon,
Nauubos ng mga nagtutukaang ibon.

Wala silang ideya kung bakit may dalang itong karne,
Ngunit namangha ang lahat ng dagitin ito sa ere,
Ng malaking ibong agila papuntang tuktok,
Kung saan namumugad at nakasabit ang panty na sinusuot.

Natapos ang kwento-kwento sa panty ni Pacita,
Ng maging kabiyak niya si Ilo at nagkaroon nang pamilya,
Hindi totoong sa panty nagkaroon ng pag-ibig ang dalawa,
Pagsubok ito ng diwata para makita ang pursigido at matiyagang asawa.

_

Kaninong panty kaya ang magkakaroon ng kwento-kwento sa susunod?

Wondering Alone || A Poetry Anthology जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें