Bilang 37 - Hagdanan

9 2 0
                                    

HAGDANAN

Labing tatlong hakbang,
Ang inapak sa labing tatlong baitang,
Nagsimulang bumalot ang karimlan,
Ng bumalik ako sa unahan.

Sinubukan kong tahakin muli,
Sa paghakbang may kung ano sa pakiramdam na namutawi,
Nilamon ako ng takot,
Pinipilit kong i-alis ngunit ito'y nakasuot.

Mabilis na kumaripas ang paa,
Papaakyat ngunit nahinto sa labin dalawa,
Gulong gulo at may pagtataka man,
Pilit paring nilapat ang paa sa labing tatlong baitang.

Bumungad sa akin ang unahan,
Kung saan bumalot ang karimlan,
Hindi ko na alam kung anong laro ito,
Hanggang sa tinahak at muling nakarating sa dulo.

Hindi na ako muling nakabalik sa unahan,
Hinding hindi ko na mababalikan,
Tatlong ulit na pag-akyat sa labing tatlong baitang,
Tatlongpo't siyam ang bilang na hindi mo dapat ihakbang.

Wondering Alone || A Poetry Anthology Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon