Bilang 23 - Salamat Sa Lahat

20 9 4
                                    

SALAMAT SA LAHAT


Salamat nga pala sa lahat ng ibinigay mo,
Salamat sa pagmamahal ng buo,
Salamat sa ligaya,
Ligayang naibibigay mo kapag kasama kita.

Marami akong naipon na ala-ala sayo,
At hindi ko kakalimutang naging tayo,
Hindi ako nagsisising minahal kita,
Mula una hanggang sa nagwakas ang ating pagsasama.

Hindi ko tinatanggi at masakit parin sa parte ko,
Na wala na ang sinimulan nating tayo,
Wala na ang aking kalawakan,
At may iba na itong hinahawakan.

Ay tinanggap ko ang desisyon mo,
Kahit na masakit sa puso ko,
Na sa mundo ko hindi ka na masaya,
At sa ibang mundo ka na lumiligaya.

Masaya parin akong nakikita ka,
Na masaya sa piling ng iba,
Na kahit hindi mo na ako gusto,
Ay gugustuhin ka parin ng puso ko.

Kaya mahal maraming salamat sa lahat,
Dahil kahit papaano ika'y naging tapat,
Sa pag-iibigan na hindi na maibabalik,
Dahil natapos na sa huling halik.

Halik ng pagpapaalam,
Pagpapaalam na hindi ko inasam,
Na hindi ko pinangarap,
Na mawawala ang dati kong pinapangarap.

Kaya mahal salamat ulit,
Gusto kong magpasalamat ng paulit-ulit.
Dahil hindi ko kaya ang nararamdamang sakit,
Na sana ang puso'y kayang pumikit.

Sa katotohanang wala ka na,
Na hindi ka na sa kalawakan ko nakatira,
At hindi na ako ang iyong mundo,
Ngunit maraming salamat parin kasi naging parte ka ng mundo ko.

112820

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now