Bilang 33 - Ang Iyong Gusto

9 2 0
                                    

ANG IYONG GUSTO

Palagi na lang akong nabibigo,
Ayoko nang manlumo,
Ngunit bakit ikaw pa rin,
Ang sinisigaw nitong damdamin.

Ang tinitibok ng puso,
Na hindi ko kayang isuko.
Ilang lungkot na ang inilaan,
Ilang luha na rin ang nabawasan.

Ngunit hindi kita kayang bitawan,
Paulit-ulit mo man akong saktan,
Madurog man ako,
Mawasak, ako'y nandirito-

Sa iyo!
Mananatiling sa 'yo.
Pipilitin kong maging iyo,
Kahit hindi na ako.

Kailan kaya ulit mararansan,
Ang sayang sa iyo noon naramdaman.
Kailan kaya, makakatawa.
Kailan kaya ako hindi na luluha.

Tuyong-tuyo na ang aking mga mata,
Sa pag-iyak kung mananatili ka pa,
Ilang pagmamakaawa ang ginawa,
Para hindi ka lang mawala.

Kailan kaya ulit mararanasan,
Ang pagmamahal na noon naramdaman.
Kailan kaya, hindi mabibigo.
Kailan kaya pusong ito hindi magdurugo.

Sa iyo!
Mananatiling sa 'yo.
Pipilitin 'kong maging iyo,
Kahit hindi na ako.

Ang iyong gusto!

_

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now