Bilang 53 - Minsang Nakalimot

2 2 0
                                    

MINSANG NAKALIMOT

Ako'y naging paru-parong walang pakpak
Hindi nakalipad at nakalapit sa bulaklak
Hindi na naramdaman ang presensya
At napalayo ako sa iyo ng sobra

Nabalot ako ng dilim
Naipit ako sa isang kulimlim
Nabulag sa saya ng kasalanan
At hindi na kita naisip na balikan

Hindi maala-ala
Kahit paulit ulit kang nagpapadama
Hindi kita pinansin
Kahit nangingiusap kang bumalik sa akin

Ako ang nakalimot
Dahil napuno ang puso ng puot
Ngunit puso'y naging magaan
Ng iyo itong pinunasan

Dahil sa hinananap mong paraan
Ako'y naliwanagan
Akin ikaw na nabalikan
Ako'y makasalanan ngunit hindi mo ako iniwan

Salamat sa walang humpay na pagmamahal
Lubos akong nagpapasalamat sa'yo Poong Maykapal
Nahanap kong muli ang bagwis ng pakpak
At madadapuan na ang halimuyak ng bulaklak

073021

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now