Bilang 8 - Magkita Na Lang Tayo Sa Kawalan

25 6 4
                                    

MAGKITA NA LANG TAYO SA KAWALAN

Pilit akong umaahon sa pagkakalunod,
Umaangat- papa-akyat, sunod-sunod.
Na pag-ahon ang ginagawa,
Ngunit ang mapanlunod na hampas ayaw akong iluwa.

Gusto ko nang makahinga,
Maging mapayapa't masaya.
Gusto 'kong makaalpas,
At makita ang magandang sinag ng bukas.

Ngunit sa pagbagsak ng matinding alon,
Sa paghampas ng masakit na daluyong,
Nalulunod ulit ako,
Nalulunod sa mga agam-agam na sa isipan namumuo.

Kalungkutang binabalot ang aking katawan,
Sobrang pag-iisip na hindi alam ba't ko'to nararamdaman,
Gusto ko nang maging masaya,
Ngunit bakit hindi ako makahinga?

Ayoko na, tama na!
Nalulunod na ako sa mga mapaminsalang pag-iisip,
Ayoko na, hindi ko na kayang maniginip!
Dahil gulong gulo't lunod na lunod na'ko.

Ano 'mang pilit na paggalaw ng mga kamay,
Nanatili pa 'rin akong nakalubog sa tubig- walang humpay.
Ano mang pilit kong lumutang paitaas,
Nalulunod pa 'rin ako't hindi makaalpas.

Kapos na kapos sa hanging nasisinghap,
Mga mata'y hindi ko na makurap,
Nanghihinang katawan- ayaw ng gumalaw,
Siguro'y paraan na 'rin ito para lumutang ako paibabaw.

Makaalpas lang man sa isang sandali,
Masilayan ang sinag na namumutawi,
Ngunit sa huling hininga na'to hayaan mo akong ika'y tawanan,
Dahil alam 'kong magaganap ang pagkikita natin sa kawalan.

012121

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now