Bilang 12 - Sanaol

38 19 2
                                    

SANAOL

Napadaan ako sa isang eskinita,
Naglalakad sa dilim ng mag-isa,
Hawak-hawak ang aking telepono,
Na gamit kong ilaw sa pagkalad ko.

Sa bawat paghakbang ng aking mga paa sa daan,
Ang ilaw ko ay madaming natutunghayan,
Mga pangyayaring hindi kaaya-aya,
Lalong lalo na sa mga nagbabasang bata.

Mga naglalabanang bibig,
Mga dilang sa loob pumipintig,
Naggagapangang mga kamay,
Pataas, pababa, walang humpay.

Mga ungol na tila musika,
Sa pandinig ng bawat isa sa eskinita,
Sunod-sunod na magkakapareha,
Na walang paki-alam kung makita ng iba.

Sa bawat paghakbang ng aking paa,
May inggit akong nadarama,
May init na nararamdaman,
Na gusto kong ilabas kanino man.

Lahat nagtutukaan,
Lahat walang pakialamanan,
Hindi kona kayang ito'y kimkimin,
At gusto kona siyang palabasin.

Palalim ng palalim ang aking paghakbang,
At halos lahat ay nagmumukbang,
Bawat bubig sa isa't-isa ay sapol,
'Nong hindi ko natiis bigla silang napalingon ng sumigaw ako ng sanaol.

_

:

IKAW, ANONG KWENTONG SANAOL MO?

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now