Bilang 34 - Ang Liham Ni Kupido

12 2 0
                                    

ANG LIHAM NI KUPIDO

Dumaloy ang tinta ng panulat,
Sa blankong papel binahagi ang lahat,
Nang damdaming nais iparamdam,
Idadaan sa isang liham.

Sa kasagsagan ng paghahanap,
Kakaibang pangyayari sa sarili ay naganap,
Hindi ko kaya ang dalawa ay pagtagpuin,
Nang sana kapareho 'mong gusto ko ng panain.

Hindi ko mapaliwanag,
Ano itong pagtawag,
Ako ang nagtatagpo ng mg pusong nagmamahalan,
Ngunit bakit tila ikaw ay aking natagpuan.

Ako ang nagiging daan ng pag-iibigan,
Ng dalawang tao na nagmamahalan,
Ngunit ano itong nararamdaman,
Hindi ko maipaliwanag kung nanggaling ito saan?

Tila ako'y tinamaan,
Hindi ng pana kundi ng iyong kagandahan,
Hindi ba ako ang nag-aasinta?
Para mabuo ang pagmamahalan ng dalawa?

Sandali, naguguluhan ako!
Hindi ko kayang maging masaya kayo,
Ayokong ngumingiti ka habang kaharap mo siya,
Kumikirot ang dibdib ko ng sobra.

Pagtatagpuin ko pa ba kayo?
Kung hindi ko kayang masaktan ang aking puso,
Hindi ko man gustong humadlang sa nakatakda,
Ngunit kabog ng dibdib ko sa iyo hindi mawala.

Bakit natitipuhan kita?
Bakit ako'y sumasaya?
Mali, maling-mali ito!
Ngunit sana mapatawad ninyo ako.

Puputulin ko ang palaso ng pagmamahal,
Ayokong ang dalawang ito ay magtagal,
Makasarili't maramot man,
Handa akong siya ay makasama magpakailanman.

Siguro'y hindi ko talaga tadhana ang magtagpo,
At tadhana ko talagang ika'y makalaguyo,
Hindi ko lubos maisip na matataman ako sa iyo,
Kahit wala 'kang ginamit na palaso.

Naubos ang tinta ng panulat,
Tinupi ang papel at natago ang nararamdaman ng nagsulat,
Ibibigay ko ito hanggang sa humilom ang iyong puso,
Dahil nakasisiguro akong landas natin ay muling magtatagpo.

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now