039

207 25 4
                                    

CHAPTER 39: WHAT DO YOU WANT?

Caden Constello

Napangiti ako nang makita si Sera sa tabi ko nang magising ako. Nakayakap ito sa akin at nakaunan sa dibdib ko at mahimbing pa ring natutulog.

Marahan ko itong hinalikan sa ulo saka niyakap. Naalimpungatan naman ito sa ginawa ko pero hindi tuluyang nagising.

Sleepyhead. Pagod pa rin pala talaga siya.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na siyang tumatakip sa mukha niyo saka marahan itong pinagmasdan. Kahit buong araw ko itong titigan ay tiyak na hindi ako magsasawa.

Napatingin ako sa labi nito at napalunok.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inilapit ko ang labi ko rito at masuyo itong hinalikan.

Lihim akong napangisi nang gumaganti na rin ito ng halik. Bigla itong dumilat at sinikmuraan ako!!

"Agh!" daing ko na nakahawak pa sa sikmura.

Shit! Ba't ang sakit?! Napakaliit lang ng distans'ya namin sa isa't isa pero nagawa nitong sikmuraan ako nang malakas.

Naiilang na ngumiti siya at nilapitan ako.

"May problema ka ba sa akin? Ang sakit," inis na tanong ko.

"W-Wala naman. B-Bakit mo k-kasi ako hinalikan!? Kita mo nang tulog ako."

"Anong pake mo kung halikan kita? Edi gumanti ka!" inis kunyaring saad ko. "Halikan mo rin ako." nakangising saad ko.

"Abnormal! 'Di ka nga nagtoothbrush!" angil nito kaya agad kong inamoy ang hininga ko. Mabango naman ah?

"Nagtoothbrush naman tayo kagabi ah?"

"Kagabi 'yon!" angil niya.

"May dalaw ka?" pang-iinis ko.

Napaawang ang labi niya at hindi makapagsalita. "T-Tanga, wala!" inis na saad niya saka nag-iwas ng tingin.

Lumipas pa ang ilang minutong walang imikan nang mapagpasyahan kong magsalita. "Minsan iniisip ko kung bakit pa ako nabuhay.." seryosong saad ko at tinignan siya. "Ngayon nasagot ko na," saad ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Kaya pala ako nabuhay para makilala ka."

Bigla siyang nag-iwas ng tingin at nakita ko pa ang pagpula ng pisngi niya. Whew!

"Hahaha! Hindi ka na nakaimik diyan." natatawang saad ko sa kan'ya.

Tinalikuran niya ako at nagtaklob ng kumot.

"Kinikilig pa nga," natatawang saad ko na pilit na tinatanggal ang pagkakataklob ng kumot.

"Baliw!" inis na saad niya.

Hindi na ako nakasagot nang biglang magvibrate ang cellphone ko.

From: Cain

Bumaba na kayo : )) Bakit nand'yan ka sa kwarto ni Sera? Hindi ka na lumabas! Loko! Hahaha

Umiiling-iling na binasa ko lang ito at tinignan ang panibagong text.

From: Tanda

Baba na, Cad. Ngiting-ngiti ang mga kapatid mo! Hahaha

Aba! Parang alam ko na 'to ah.

To: Tanda

Nagniningning ba? Hahaha!

From: Tanda

Kumikislap ang mga mata! Loko ka. Baka makabuo kayo!

Napaawang ang labi ko at hindi na siya sinagot. Natatawang nilapag ko ang cellphone ko at muling hinarap si Sera.

Luminous BeautyWhere stories live. Discover now