030

225 21 6
                                    

CHAPTER 30: PROMISES

Sera Madrigal

"Caden..." tawag ko sa kan'ya. "Mahal mo ba talaga ako o naawa ka lang sa akin?" hindi siya umimik. "Don't love me because I love you. Mahalin mo ako dahil mahal mo ako because that's what I deserve." pilit ang ngiting sambit ko.

'Ano ba 'tong ginawa ko?!'

"Mahal kita dahil mahal kita. Hindi man ikaw ang unang minahal ko, pero sinisiguro kong ikaw na ang huling magmamay-ari sa puso ko."

Hindi ako sumagot sa halip ay tumungo at itinatago ang nag-iinit kong pisngi.

"Sera...” tawag niya sa akin.

"What—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang unti-unti nitong nilalapit ang mukha niya sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na akala mo'y hinahabol ng kabayo. Inilapat pa niya ang kamay niya sa bewang ko, now I was trapped and my stupid heart couldn't stop beating for him. Wala akong nagawa kundi ang mapatitig na lamang sa kan'ya habang patuloy ang paglapit niya sa akin.

Pumikit ako nang halos gahibla na pamang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

And then he kissed me again.

The way his lips connected with mine. I ran my fingers through his hair and I slowly kissed him to let him know my feelings.

I like him.

I love Caden Constello.

I'm contented to feel his breath come and go with mine.

Tumigil ako sa paghalik at nag-iwas ng tingin. Bigla niya akong yinakap nang mahigpit na ginantihan ko rin ng yakap.

"If only I could give you one thing in life, I would give you the ability to see yourself through my eyes, only then would you realize how special you are to me," batid kong nakangiti siya nang sambitin iyon.

Hindi ako umimik at nanatiling nakayakap lang sa kan'ya.

"Hindi ka na makasagot d'yan. Baka maihi ka sa kilig ha. Hahaha!" nangangasar na aniya. "I might not be able to get you blush, but if you need anyone to get your heart racing, you can call me anytime." nakangising aniya.

"Ngiti mo pa lang, tablado na ako." nakangiting saad ko at sabay kaming natawa.

"Sera, hindi ko alam kung saan na 'to papunta pero p'wede bang maging akin ka nalang?"

Magtataas na sana ako nang paningin pero pinigilan niya ako. "Teka hahaha! Huwag kang tumingin. Damn! Alam mo bang kinakabahan ako ngayon?"

Natatawang nagsalita ako. "Rinig ko yung bilis nang tibok ng puso. Hahaha!"

Tumikhim siya kaya natahimik ako. "Can you love me with all your heart?"

Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tanong niya. At ang hindi ko inaasahan ang pagluhod nito sa harapan ko at saka hinawakan ang dalawa kong kamay.

"And, will you be my girlfriend, Ms. Seraphine Madrigal?"

Hindi ako makasagot, nananatiling nakatitig ako sa mga mata niya. Sinsero siya sa mga pinagsasabi niya.

Nang hindi ako sumagot ay tumayo siya. "Hindi ba parang ang bilis nito, Caden? Kakikilala lang natin."

Kung ako ang tatanungin, pabor ako! Pero kailangang hard-to-get!

"Nag-aalinlangan ka ba sa akin, Sera?"

"Hindi naman sa gan'on, masyado lang mabilis ang lahat. Baka mamaya niyan, mauntog ka tapos marealize mong hindi mo talaga ako gusto."

Luminous BeautyWhere stories live. Discover now