033

214 25 3
                                    

CHAPTER 33: RIVAL CLANS

Someone’s POV

STATES

Pagkapasok ko pa lang sa conference room ay nadatnan ko na ang seryosong atmosphere.

Isa-isa silang tumayo.

"Good Morning, Mr. Archimedt." bati nilang lahat.

"Good Morning," tanging saad ko saka umupo.

Tumikhim ang isa sa mga board. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Panahon na para mapabagsak ang Levesque Mafia. Tama na ang dalawang taong pamamahinga, wala nang pag-asa para mahanap pa ang Mafia Empress." seryosong anang niya sa sariling wika.

"Ang desisyon ko ang masusunod. Napag-usapan na natin ito sa huling pagpupulong. Kailangan nating mahanap ang Mafia Empress. At gaya nang sinabi ko, kapag hindi ito umanib sa atin, papatayin natin siya."

"Walang katuturan ang iyong mga tinuran! Sa tingin mo ba, gan'on gan'on nalang nating mapapabagsak ang Red-Eyed Devil? Malaking katatawanan ang iyong mga plano," bulalas ng isa.

"Sang-ayon ako, uumpisahan natin sa mga kapatid niya hanggang sa pagpapabagsak sa Levesque at ang tuluyang pagpatay sa Mafia Empress!"

Humalakhak ako. "Malaking kabaliwan ang iyong naiisip! Sa tingin mo ba makakayanan mo ang pagsalubong sa kamao ng mga kapatid niya?! Hindi mo pa lubos na kilala ang mga Levesque. Baka paiwas ka palang ay may nakabaon nang bala sa iyong noo."

"Tch! Hindi mangyayari iyon ngunit sino bang makakakilala sa pribadong pagkatao ng mga Levesque? Ikaw... Ikaw ang traydor sa Levesque pero kahit papaano ay nakatutulong ka sa pagbagsak ng mga Levesque."

Padabog akong tumayo at tinutukan siya ng baril sa pagbanggit nang 'traydor.'

"Hindi ba't totoo naman? Bakit ikaw pa ang may ganang magalit diyan?" tila nang-aasar na saad ng isa.

"Walang patutunguhan ang pagpupulong na ito. Mauuna na ako. Mas may katuturan pa ang paghahanap sa Mafia Empress." pagalit na saad ko saka padabog na lumabas ng kwarto.

Sumalubong ang mga tauhan ko paglabas ng conference room at sabay sabay silang yumukod.

"Saan na po ang iyong patutunguhan ngayon, Master Kael?" magalang na saad ng kanang kamay ko.

"Take me to the Philippines, magkakaroon lamang ako nang magandang pagbisita," nakangising saad ko.

"Masusunod, Master Kael. Ipahahanda ko na po ang private plane ngayon din." magalang na aniya sa sarili naming wika.

Nagsimula na siyang mag dial kung kanino.

Seryoso kong tinahak ang daan papunta sa elevator. Pagkapunta ay agad nila itong pinindot at saka ako pumasok.

Kakalabas ko palang ng elevator ay bumungad na sa'kin ang tatlong itim na kotseng maghahatid sa akin sa private airport.

Tatlong oras bago ako makapunta roon ngunit masyadong swabe ang kalsada kaya hindi rin nagtagal ay nakarating din kami sa private airport.

"Welcome, Mr. Archimedt." salubong sa akin ng piloto. Agad nito akong pinapasok plane at kung ano ano pa ang sinasabi sa aking safety na alam ko namang lahat.

Sinubukan kong umidlip ngunit hindi ako makaidlip sa dami ng iniisip.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ng Shevria. Hindi ko akalaing kasabwat nila ang Constello sa pagpapabagsak sa Levesque. Kaninang umaga naman ay ang paglusob nila sa Mafia Units ng Levesque sa gawing France at halos ang lahat ay bloodily murdered. Hindi na ako magtataka kung kumilos si Adler. Tch. Hindi talaga nag-iisip, gusto nilang nasa kanila ang kapangyarihan na matagal nang inaasam.

Tumagal pa ang dalawang oras ang biyahe at sa wakas nadama ko rin ang hangin ng Pilipinas.

Ngumiti ako, "Nasa Pilipinas na nga ako."


Summer Shevria

Kasalukuyan kaming nasa mans'yon dahil pinatawag ako nila Dad and Mom.

I'm an adopted daughter of Nathalie Shevria and James Kobi Shevria including Sunny or Cai rather.

Matagal nang naglilingkod ang biological father ko sa Levesque Mafia but ang limang taong gulang na Red-Eyed Devil killed him. Sa sobrang pagkagalit ni Mom ay nagplano siya ng ilang taon at nagawa niyang patayin ang lolo, kasama na roon ang pangalawang apo nito, ng mga Levesque na siya ring pinagsisihan niya.

Dahil habang nag kakasiyahan ang buong Mafia ay nagawang patayin ng labing-walong taong gulang na Red-Eyed Devil ang Requila at Javier Clan na noon ay nagkakasiyahan sa pagkamatay ng dalawang pinakatatakutan sa Mafia.

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paanong tahimik niyang pinatay at dinaanan ang duguang mga katawan ng kasapi ng dalawang clans. Habang ako'y natanga nang lapitan ako niya noon. Labis ang pagkalumo ko nang patayin niya mismo sa harapan namin ni Sunny si Mom.

That was the night when I finally understood why mafia bosses fear silence.

Iyon din ang panahong naintindihan ko kung bakit siya ang Mafia Empress. Nang patayin niya ang dalawang clans ay para bang gustong gusto niya ang kan'yang ginagawa. Ang puti nitong suot ay nabahiran ng dugo, nang tignan ko ang mata niya ay doon ang aking takot ay bumahid sa katawan at rumehistro sa mukha.

Naalala ko pa kung ano ang mga sinabi niya bago niya patayin si Mom.

'You seem to forget who you're dealing with.'

'Don't complain, enjoy the pain.'

Sa sinabi niyang iyon ay lalong tumingkad ang kulay ng demonyo niyang mga mata.

Naikuyom ko ang aking mga kamao habang inaalala ang nakaraan.

Napabalik ako sa reyalidad nang hawakan ni Mom ang kamao kong nakakuyom.

"Relax, baby." nakangiting aniya. "Nagtagumpay tayong pabagsakin ang Mafia Units ng mga Levesque sa gawing France." nakangising aniya na nagbigay sa akin nang pagnanais na tapusin ang mga Levesque.

Tumikhim si Dad. "Ito na ang tamang panahon para tuluyan nang pabagsakin ang Levesque!" saka niya kami binalingan. "Ito na ang tamang pagkakataon para makapaghiganti sa mga Levesque, darling."

"I want them suffer, Dad!" nanggagalaiting sigaw ko at nangilid ang luha sa galit. "Katulad nang ginawa ng Mafia Empress kay Mom, papatayin ko siya nang dahan dahan at pahihirapan sa tiyak niyang kamatayan! Gusto kong ako mismo, ako... mismo, ang papatay sa kan'ya!"

Humalakhak si Dad. "Hahaha! Gan'yan ang gusto ko sa isang Shevria, matapang!" nakangising aniya.

"Napakahabang panahon ko nang hinintay ang pagpapabagsak sa mga Levesque, hindi ko akalaing ang mga Constello lang pala ang makakagawa n'yon." nakangising dagdag pa ni Dad. "Ang mga anak ni Krayson... napakagaling para mapatay ang Mafia Empress. Lalo akong humahanga sa magkakapatid na iyon. Kaya alam kong hindi sila mabibigong pabagsakin ang Levesque! Ngayon ay kailangan natin silang tulungang wakasan ang paghahari-harian ng mga Levesque!"

"Pabagsakin ang Levesque!"

"Pabagsakin!"

"Pabagsakin!"

Sunod sunod na sigaw ng mga tauhan ni Dad at lahat ay natutuwa sa pagpapatuloy ng magagandang kaganapan sa mundo ng Mafia!

"Mukhang nagkakasiyahan yata kayo?" anang ng bagong dating.

"Constellos!" masayang salubong ni Dad kay Tito Krayson kasama na ng asawa nitong si Tita Haven at ang mga anak nito.

Agad na sinalubong ni Cai si Caden. "Love!"

Napabaling naman ang atens'yon ni Caden kay Cai at matamis na ngumiti. "Love.."

:)

Luminous BeautyWhere stories live. Discover now