048

205 21 4
                                    

CHAPTER 48: THE DEMON AWAKENS

Third Person’s POV

Nang mabalitaan nila Achlys ang nangyari ay agad silang sumunod.

Samantalang sina Adler at Kace ay nakasunod kay Casianna.

Inaasinta ng dalawa ang mga tauhan ng Shevria na humahabol kay Casianna.

Nagulat pa si Kace nang makitang si Adler ang isa pang bumabaril sa humahabol kay Casianna.

Muntik nang mabaril ni Adler si Kruss ngunit nakaiwas ito. Doon lang nito nakilala si Kace nang tumama ang liwanag sa kulay asul na mga mata ni Kace

"Kace, you're here.." turan ni Adler.

Tinanguhan lang siya nito at ipinagpatuloy ang paglaban. Ilang sasakyan na rin ng mga kalaban ang napasabog ng mga ito. Galit namang nakipaglaban si Adler nang matamaan ang likurang bahagi ng sasakyan nito.

Ngunit mas lalong lumiyab ang galit nito nang makita ang paparating pang mga sasakyan at paderetso sa direksyon ni Casianna.

Mas lalo namang binilisan ni Kace ang pagpapaandar ng motorbike saka inunahan ang paparating na mga sasakyan.

Alam nitong hindi na p'wedeng umulit ang nangyari kundi ay siya ang malalagot sa kanilang Supremo.

Inasinta niya ang mga gulong nito kaya't nawalan ng kontrol ang nagmamaneho at bumangga sa puno.

Sera Madrigal

*BOOM!

"Agh! Mierda!" sigaw ko nang muntik na akong tamaan ng walang kontrol na sasakyan mabuti nalang at napaikot ko ang sasakyan.

Hindi ko inaasahan ang pagbunggo ng panibagong sasakyan kaya't nadali ako sa lakas ng impact at nagpagulong-gulong hanggang tumama sa isang puno.

Dahil sa lakas ng impact ay ang ulo ko ang tumama sa puno!

“Sia! You should rule!! You should be feared all over the world!!"

I stared at the bodies on the floor, at the old but dangerous man covered in blood.

My eyes narrowed as I stood up.

"You're late."

Nagngalit ang bagang ko at agad nagliyab ang galit.

Agad kong binunot ang katana at walang pasubaling inihagis ito sa direks'yon niya. I can feel the lust to kill on my blood.

Batid kong nakangisi ang babaeng 'yon habang paalis. Batid kong babae 'yon dahil sa kurba ng dibdib nito.

"Athena! Lo!"

Agad kong nilapitan ang mga ito. Gan'on na lang ang galit ko nang makitang duguan na si Lolo at nakahandusay ito sa sahig na puno ng kulay pulang dugo!

H-He's dead!!!

Sunod kong nilapitan si Athena. Agad kong hinawakan ang tiyan nito. Agad na lumiyab ang galit sa mga mata ko nang maalalang nagdadalang tao ang kapatid ko!

"C-Casianna!"

Inilapit ko ang tainga ko sa bibig nito para marinig ang gusto nitong sabihin.

"Who the hell did this to you?!!!" bulalas ko sa sobrang pagkagalit.

Itinuro niya ang kapirasong tela saka ito nagsalita. "R-R--Requ-ila..J--J-avie--!"

Luminous BeautyWhere stories live. Discover now