020

298 31 1
                                    

CHAPTER 20: PAIN AFTER HAPPINESS

Sera Madrigal

"Woi!" mariing tawag ni Ryx. Minsan nagdududa na ako eh, ganito ba kumilos ang nerd? Tss. "Kanina ka pa tulala r'yan, tumutulo na luha mo."

Agad kong kinapa ang aking pisngi at tama siya, tumutulo na nga. Psh.

"Ano mayroon sa'yo?" seryosong aniya. "Napansin ko kanina, habang nasa harap mo yung dalawa ang sama sama ng mukha mo. H'wag mong sabihin na may gusto ka kay Cali?"

Napamaang at natawa ako sa sinabi nito. Kinakabahan na ako eh. "Hahaha! Paano ko nga ba magugustuhan 'yung babaeng 'yon?" mataray na saad ko at pinangliitan naman niya ako ng mata. Waaah! Ang cute! Halos wala nang makitang mata sa kan'ya!

"Hindi, seryoso na 'to." seryoso na talagang aniya. "Do you like Caden?"

Hindi ako sumagot at nag-iwas ng tingin.

"Damn." rinig kong bulong niya. "Hindi. . . p'wede 'yan, Mads. May girlfriend na 'yung tao." nag-aalinlangang aniya.

Agad akong napalunok sa kaba. "Hindi ko naman siya gusto."

I don't know what to say. What the hell is this happening!

'Nakakainis!'

"Uh. . . Coffee shop? Baka gusto mong magpahangin?"

Tumango lang ako at nagpatiuna. Kanina pa ako lunod sa pag-iisip. Bakit kasi ganito! Ayoko nang ganito!

Salubong ang mga kilay na naglakad ako sa buhanginan. Hapon na pala. Napakatagal ko palang nalunod sa pag-iisip.

Paunti na nang paunti ang narito sa tabing dagat kasi madilim at pagabi na rin.

"Sige nga. . . If what I'm saying is wrong. . Why the fuck do you have to stick with Seraphine, huh?! Bakit ba kailangan mo pang dumikit sa kan'ya kung pwede namang lumayo ka?!" tinig iyon ng isang babae na nasa likuran ng puno, batid kong si Cali iyon. Agad akong tumayo at pumunta sa likuran ng puno.

"Nagkataon lang 'yon, Cali!"

"Bakit ba hindi mo maiwasan ang babaeng 'yon?!"

"Bakit ko naman siya iiwasan? Ni hindi ko naman siya dinidikitan?"

"Caden!" malakas na sigaw pa nito at halatang inis na inis. "This is not you!"

Sarkastikong natawa si Caden. "Of course, Cali!" inis na sigaw niya. "This is not me! Dahil magmula nang malaman ko yung pangloloko mo, do'n ako tuluyang nagbago." mararamdaman ang pait sa tono ni Caden.

'This is not me! Dahil magmula nang malaman ko yung pangloloko mo, do'n ako tuluyang nagbago.'

'This is not me! Dahil magmula nang malaman ko yung pangloloko mo, do'n ako tuluyang nagbago.'

'This is not me! Dahil magmula nang malaman ko yung pangloloko mo, do'n ako tuluyang nagbago.'

'This is not me! Dahil magmula nang malaman ko yung pangloloko mo, do'n ako tuluyang nagbago.'

Ang mga salitang iyon ay nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Doon ko narealize na mahal niya pa si Cali.

"Huwag mong nililihis ang usapan, Caden!" inis na sigaw nito. "H'wag mong sabihing nagugustuhan mo na siya?!"

'WTF??'

"Ano bang sinasabi mo?" natatawang aniya. "You're being paranoid, Cai."

"S-Shut the fuck up, Caden. ." inis na aniya. "Ang sabihin mo. . kaya hindi mo magawang lumayo dahil may gusto ka na kay Seraphine!"

"Oh damn, Cai! Kahit ngayon lang! Kahit ngayon lang ay pabayaan mo muna ako. . Parang awa mo na. ." mahinahong saad ni Caden na akmang aalis kaya agad akong napaupo.

"You're lying, Caden!" inis na ani Cali kaya napatigil si Caden. "Kitang kita ko yung ginawa mong pagyakap sa kaniya n'ong party, yung pagngiti mo, yung lahat lahat na ginagawa mo! Kitang kita ko yon!" nangingilid sa luhang sambit nito.

Nabaling ang atens'yon ko sa nakatingin sa akin.

'Chase. . .'

Nagulat ako at hindi makatingin nang deretso sa kan'yang mga mata.

"Cai. ."

"Sabihin mo nalang na may gusto ka kay Seraphine! Just say it!"

Chase Constello

"Sabihin mo nalang na may gusto ka kay Seraphine! Just say it!" dinig kong sigaw ni Cali pero nakatuon ang tingin ko kay Astrid!

"Wala! Wala akong gusto sa kan'ya!! At hinding hindi ko siya magugustuhan, naiintindihan mo ba?!" malakas na turan ni Caden kay Cali dahilan para hindi ito makapagsalita!

Napailing pa muna si Caden bago nito hawakan ang palapulsuhan ni Cali saka ito hinila para halikan.

Pero ang hindi ko maintindihan ang kung paanong ang gulat na reaksyon ni Sera kanina n'ong nakita ako ay napalitan ng reaks'yong hindi ko inaasahan. .

'Tama ba ang nakikita ko??'

Napamaang ako at ang unang naisip ay hindi nito nagustuhan ang naging sagot ni Caden kaya gan'yan ang reaks'yon nito. .

'This can't be. . . nagkakamali lang siguro ako. .'

Nakita kong para itong nanghinayang dahilan para lumamlam ang hitsura nito at parang walang gana.

Napaupo s'ya at parang hindi alam ang gagawin. Agad s'yang umalis sa likod ng puno at naglakad, sinulyapan pa muna nito sila Caden at Cali na gulat na gulat sa pagsulpot ni Sera.

Ano bang nangyayari sa'yo? Sana hindi totoo yung naiisip ko. . . Kasi kung sakaling mang totoo 'yon, siguro ako na 'yung masasaktan nang todo.

Natatawang napailing ako at sinulyapan siyang naglalakad na paalis. "It's funny how a person who was just stranger suddenly means the world to me." tanging saad ko at tumalikod.

:)

Luminous BeautyWhere stories live. Discover now