047

195 20 1
                                    

CHAPTER 47: AWAKENING THE DEMON

Sera Madrigal

Once I cut our connection off. I won't try to entertain you. I'm gonna move on like you never existed.

Huminga ako nang malalim bago magmaneho. Napahinto ako sa pagmamaneho nang maisip ang paghihiwalay namin ni Caden.

Hindi ko kinaya. Hindi ko kayang mawala siya pero ito nalang ang tanging paraan para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Pero mas malala pa pala 'to sa iniisip ko. 

Minsan kung sino pa 'yong rason ko kung bakit ako masaya.. siya rin pala ang magiging rason kung bakit ako masasaktan ng sobra.

Pimaghahampas ko ang manibela at hindi napigilang sumigaw sa sakit. "Aah! Bakit ba palaging ganito!? Dapat bang nakinig ako kay Achlys?! Dapat ba?!" naiiyak na sambit ko na patuloy pa ring pinaghahampas ang manibela.

"Plano lang ba ng tadhana na pagtagpuin tayo pero pinagtagpo lang tayo at hindi tayo para sa isa't isa?" natatawang tanong ko sa sarili.

Inilibot ko ang paningin ko at natagpuan ang sarili na nasa lugar kung saan umamin sa akin si Caden.

'I'm in love with you, and I'm not in the business of denying myself the simple pleasure of saying true things.'

Muli na namang nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang mga katagang nagpabihag sa aking puso.

Napapailing na natawa ako sa sarili. "Nagsisimula ka pa nga lang magmove on tapos ang hirap pala kapag lahat ng bagay sa pagilid mo. Pinapaalala sa'yo yung gusto mong malimutan."

But I promise you one day, it won't hurt to remember you anymore and that day, I'll be free.

Well, I guess this is the moment that the eclipse will end. Us, sun and moon shall meet again.

Yes, I love him but it doesn't mean I will let them continue on hurting me.

Yes, I love him but I'm not stupid enough to chase after him.

Yes, I love him but I guess Seraphine Madrigal is not for him.

Nasa kalagitnaan ako nang pag-iyak nang mapadapo ang mga mata ko sa side mirror. At nakitang may mga itim na kotseng nakasunod sa akin. Agad kong pinaharurot ang sasakyan.

*BANG!

*BANG!

*BANG!

Shit! What was that!?

"Freaky damn!" inis na sambit ko na napapayuko nang muli silang nagpaulanan ng bala.

*BANG!

*BANG!

Kakabreak ko lang! Kinginang yan!

Wala pa akong gamit pang laban! Kinginang buhay 'to! Kinakalkal ko ang kotse gamit ang isang kamay habang ang mga mata ay nasa dinaraanan.

Shit!

Walang patawad ang mga bastardo!

*BANG!

*BANG!

Lumiwanag ang mukha ko nang may makapang matalim na bagay! Isa iyong katana! Sa kasamaang palad, hindi ako marunong n'on! Kingina!

*BANG!

"Agh!" daing ko nang bigla akong makaramdam ng sakit ng ulo.

*BANG!

Sa pagkakataong ito ay basag na ang side mirror ko pati na rin ang likurang salamin ng kotse. Tss!

Luminous BeautyWhere stories live. Discover now