014

504 44 0
                                    

CHAPTER 13: ACQUAINTANCE PARTY

Sera Madrigal

What the hell!

"Kyaaaah! Ang swerte!!"

"Kapatid ko 'yan!!" malakas na sigaw ni Cain.

Tinignan ko ang mga kapatid ko sa entablado at pare-parehas na gulat ang kanilang reaksyon.

Nananatiling nakatitig lang s'ya sa akin habang magkalapat parin yung labi namin. Naalala ko na naman 'yung nangyari noon sa janitor's room!

Agad ako siyang naitulak nang bahagya at nag-iwas ng tingin. Nasa amin pa rin ang spotlight.

Tinignan ko kung sino 'yung nasa likuran ni Caden at nakita ko ang nakangising si Cade na animo'y tuwang tuwa sa nangyari.

Inis akong napapikit at tumungo. Agad na lumipat ang spotlight at natapatan sina Cain at Ryx, sunod ay sina Cohen at Cali, I guess she's Cali. Nang tignan ko ito ay masama na ang mukha nito.

Binalingan ko ng tingin ang muling tinapatan ng spotlight at ito ay sina Chase at I didn’t know who is her. Nang maramdaman ko ang tingin ni Caden ay nilingon ko ito.

"S-Sorry, I didn't mean that." he apologized. "N-Natulak ako ni Cade eh." aniya na ikinahalakhak ko.

Nagkibit-balikat ako. "Oh ba't ka nag sosorry? Ang saya nga eh. Hahaha!"

Napamaang naman ito sa aking tinuran. Agad ako nitong hinawakan sa bewang at inilapit sa kaniya. "Baliw." saad niya sa mismo kong tenga na ikinataas ng balahibo ko. Damn!

Nginitian naman niya ako. "Tapos na 'yong kanta," Oo nga pala.Tinanguhan ko lang siya at nagpaalalay papunta sa upuan.

Binigyan nila kami nang may nang-aasar na ngiti at tingin, lalo na si Cain at Cade na ang laki laki ng pagkakangiti dahil sa kalokohang ginawa.

Sabay kaming napailing at natawa sa kalokohan nila. "Tss."

Natigil ang pangangasar nila nang magsalita ang emcee. "Congratulations To Mr. Cade Hiroshi Constello and Ms. Shaira Roma! They're the first pair to receive a sash and cash!" anunsyo ng emcee dahilan para magpalakpakan ang magkakapatid gan'on din ang mga estudyante. "Join us here, guys!"

Nakangiting tumayo naman ang dalawa at magkahawak-kamay na umakyat sa entablado. Nakahanda naman ang dalawang guest para iabot ang prizes sa dalawa.

"Congratulations to Mr. Cohen Hakiro Constello and Ms. Caliah Giselle! They're the second pair to receive the cash and sash!" anuns'yo nitong muli na nakapaghiyaw sa aming lahat. "Join us here, guys!"

Nakangiting inalalayan ni Cohen si Cali at naglakad papunta sa entablado. Nakangiti namang binigay ni Achlys at Aeryn ang prizes.

"For the third time, Congratulations to Mr. Cain Hikaru Constello and Ms. Suryxin Jang for winning the 1st runner up!" nakangiting anunsyo ng emcee na ikinapalakpak ko at nagsimula ang bulung-bulungan. "Join us here."

"Why her?"

"That nerd? I don't think so. ."

"Psh! I am more than beautiful than her!"

Nakangiting tumayo naman si Autumn at Aranea na nag-aabang sa pag-akyat ng dalawa.

"I've noticed that Constello Brothers caught the special guests’ attentions." ani emcee na ikinahiyaw ng mga babae. Tss. Basta talaga pogi.

Makahulugan ang mga ngiting iniabot ni Aranea ang prizes.

"I will now give the microphone to Ms. Achlys Soleil Silvenia to announce the Face of the Night winners," nakangiting sabi ng emcee na nilapitan si Achlys. "You may now announce the winners,"

Luminous BeautyWhere stories live. Discover now