049

211 15 3
                                    

CHAPTER 49: HER GUARDIAN

Third Person’s POV

One week after.

Levesque Mansion

Kasalukuyang abala ang mga Levesque lalo na si Adler sa pagtatapos para sa gaganaping pagtitipon para sa pagbabalik mamayang gabi.

Lahat ay inimbitahan ni Adler kaya pati ang mga Constello ay nakatanggap din ng imbitas'yon para sa pagtitipon.

Lahat ng namumuno ng bawat Mafia Units sa iba't ibang sulok nang mundo ay pawang mga kinakabahan.

Isa ito sa mga hindi nila inaasahan sa lahat.

Naglakad na si Adler patungong office kung saan naroon si Casianna.

Natagpuan nitong nakatingin si Casianna sa labas na palagi nitong ginagawa.

"Casianna, may gusto ka pa ba?" ani Adler matapos pumasok sa office. "Just say I—"

Napatigil ito sa pagsasalita nang mapabaling ang tingin kay Casianna na seryosong nakatingin sa isang papel.

"Where's the other Levesques? Invite them." malamig ang tonong ani Astrid.

"Are you sure?" may pag-aalinlangang sambit naman ni Adler.

Alam nitong hindi papalagpasin ni Casianna ang mga nagawa ng apat.

"Am I joking, Adler?" mariing tanong ni Casianna at walang bahid nang pagbibiro.

"Of course, you aren't joking, Casianna." nakangiwing saad ni Adler.

Ngumisi naman si Casianna sa ipinakitang takot nang nakatatandang kapatid.

Napabaling naman ang tingin ni Adler sa papel.

Nagulat ito nang makita ang titulo ni Suryxin Jang. Hindi nito inaasahan na muli niyang makikita o masasambit ang titulong iyon.

"Fire-Eyed Han Assassin..."

Caden Constello

I really missed her! Where are you? It's been a while at masyadong marami na ang nangyari. Isang linggo na akong walang balita sa'yo.

Tss! I hope she's fine.

Tumayo ako at nagpasya, hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Dang!

Palabas na sana ko nang marinig ang mga kapatid ko mula sa labas.

"Ikaw na,"

"Tanga, ikaw nagyaya eh!"

"Bilis na,"

"Ako kakatok, kayo magsasabi!"

"Sige, sige."

Akma itong kakatok nang bigla kong buksan ang pinto.

"Walanya!"

"H'wag kayong manulak!"

Napaayos sila ng tayo nang madatnan ako sa kanilang harapan.

"Magandang tanghali, kapatid." bati ni Cain.

"What?" walang emos'yon kong tanong.

"May sasabihin daw sa'yo si Cain." tugon ni Chase.

"Ano?" muling tanong ko.

Tumikhim si Cain. "If I were you, Caden, hindi na ako tutuloy." seryosong wika nito kaya hindi ko maiwasang maging interesado. "You better stay here dahil wala ka nang babalikan."

Luminous BeautyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora