034

195 26 2
                                    

CHAPTER 34: A BET

Summer Shevria

8:30 P.M.

Hindi ko alam ang plano ni Caden, balita ko'y may girlfriend na ito. Nakakapagtakang gan'on pa rin kasweet ang dalawang 'to sa harapan.

"Ahh!" saad ni Sunny na sinusubuan pa si Caden, ngumanga naman ang ito.

Umirap ako sa hangin. "Hoy!" tawag ko kay Caden. "Hindi ba't may girlfriend ka? Ano't nilalandi mo 'yan?" sarkastikong saad ko.

Natatawang binalingan ako ni Sunny. "Hindi ka na nasanay d'yan, Summer." pataray na aniya. "Alam mo namang ang daming flings niyan, at isang tao lang ang sineryoso niyan, at alam nating lahat na ako 'yon." confident na sagot niya.

"Echosera!" saad ko saka tumawa nang malakas. "Akala ko pa naman sumeryoso ka na sa isang relasyon," natatawang baling ko kay Caden.

I really like Sera Madrigal, she has something that I can't explain. She is quite attractive, beautiful and unique on her own way.

Hindi ako mapakali kapag nararamdaman ko ang presensiya niya. She has this aura that everyone can't get rid of. She's kinda interesting.

Napangisi ako. "Why don't we have some bet?" nakangising sagot ko.

Nagtatakang tinignan nila ako. "Anong pustahan?" tanong ni Sunny na tinignan pa si Caden.

Ngumiti ako nang makahulugan. "Deal or no deal?"

"Sabihin mo muna ang pagpupustahan," seryosong ani Caden.

"Hahaha!" tawa ko saka lumapit at bumulong.

Parehas gulat ang hitsura nila at hindi makapaniwala. "Ano? Hahaha! Kaya ba?" nakangising saad ko. "I'll give you two weeks to do that at kapag nagawa mo iyon ng isang linggo bibigyan kita ng one hundred thousands. Pero kapag nagawa mo iyon sa loob nang dalawang linggo, bibigyan kita ng fifty thousands." nakangising saad ko na umiiling-iling pa. "Exciting! Deal or no deal?"

Nagkatinginan pa sila at sumilay ang isang ngisi sa mukha ni Caden. "Deal. I'll make it just for one week." nakangising saad niya.

"Goodluck." nakangiting sambit ko saka ko inilapit ang bibig ko sa tenga niya. "Lahatin mo," natatawang saad ko na nakapagpangisi sa kan'ya.

"Lalahatin ko, ihanda mo ang isang daang libo. Hahaha!" tumatawang aniya.

Napatigil lang kami sa pag-uusap nang sumingit si Tito Krayson.

"How's your relationship?" nakangiting tanong niya sa dalawa.

"Matatag pa rin po, Tito." nakangiting sagot naman ni Sunny.

"H'wag mo sanang mamasamain, pero may pinagagawa akong trabaho sa anak ko at napapaloob ro'n ang pagiging babaero ng isang ito." tumatawang aniya.

"Dad naman!" reklamo pa ni Caden. "Babaero?! Ang panget ng mga salita mo!" nakangusong sagot niya.

"Aba, son! Stop pouting, you're not cute. You look like pinagsakluban ng langit at lupa." natatawang saad niya na ikinahalakhak namin.

It's the 'pinagsakluban ng langit at lupa' for me!

Ngayon ko lang narinig na mag jokes si Tito. I remember my Dad.

Laughing with Daddy's corny jokes is the best. Lagi niya iyong ginagawa para raw hindi namin siya makalimutan.

"Oh, hubby! You're nakakatawa!"

"Kailan ka pa naging conyo, Dad? Hindi ko alam na nahawaan ka na ni Mom! Hahaha!"

Luminous BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon