057

187 15 18
                                    

CHAPTER 57: CASIANNA

Cain Constello

Hindi namin nagawang pasukin ang room ni Aya kaya pakikinig na lang ang nagawa ko. Labis na panlulumo ang nararamdaman ko.

"A-Aaaah!!!" rinig kong sigaw ni Aya, kasalukuyan na siyang nilalagay sa higaan. "Ah!"

Napapikit ako nang muli siyang sumigaw, parang tinutusok ng puso ko sa bawat pagsigaw niya.

Kasalukuyan kaming ginagamot ng limang private doctors ng mga Levesque.

Akma akong tatayo nang pigilan ako ng doctor. "You're not yet okay, Sir. You need some rest." seryosong anang niya pero hindi ko siya pinansin.

"My girlfriend needs my accompany, she needs me." halos nakikiusap ko ng tugon.

Umiling lang ang doctor. "She have her sisters. Alam naman nating hindi siya pababayaan ni Lady Autumn."

Wala akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga. Kabado man ako ay may bahagi sa puso kong nagpapakalma dahil ramdam kong matapang at matibay si Aya.

Wala sa sariling napaupo ako nang makaramdam ng labis na panghihina. Wala pa akong tulog pero alam ko kung anong nangyayari sa paligid ko.

Naghalo halo ang emos'yon ko at nangilid ang mga luha ko.

Nakabantay si Cade kay Aeryn na nasa ICU, nauna siyang nagpagamot dahil gusto na nitong makita si Aeryn.

Nagulat kami n'ong dumating sila Casianna. Hindi naman kami tumawag ng back up. Nagtaka ako nang hindi niya kami dalhin pauwi ng mans'yon at sa halip ay sa isang pribadong hospital.

Ayaw pa kaming payagan ng mga doctor kaya agarang binili ni Casianna ang buong hospital.

Dumating sila nina Caden nang puno ng sugat at nalaman naming pati ang mans'yon ay sinusugod din.

Galit na galit n'on si Casianna dahil pati sina Summer at Cali ay sumugod sa mans'yon.

"Cain, are you okay?" galit na tanong ni Caden sa akin.

Nagulat ako. "W-Where's the ba—?”

Bigla nalang itinaob ni Caden ang mesa. "Kinuha nila ang anak ko! They caught us off guard!"

Para akong pinako sa kinatatayuan ko at titig na titig sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

Natigilan ako saka tinignan siya na lalong nagpawindang sa akin. "Kasalukuyang nasa amin si Summer. Pagkatapos ay kayo na ang hahawak kay Summer." seryosong anang niya saka tinalikuran kami.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masyadong naging magulo ang labanan. Hindi ko alam na habang sinusugod kami ay sinusugod na rin pala ang mans'yon.

"Cain, what? Ano raw?" hindi makapaghintay na tanong ni Achlys.

Hindi ako natinag, nasapo ko ang sariling noo ko saka pinangiliran ng luha. "This can't be happening. It's too much."

"What? Ano nga?" inis na tanong ni Cohen. "What's happening?"

"Kinuha nila ang bata. Kinuha nila si Arshianna." anuns'yo ko kaya napaurong nang bahagya si Cohen.

Gulat na gulat siya habang nakatingin sa akin, hindi siya makapaniwala.

"No! This can't be..." nakatungong sabi ni Achlys habang napapasabunot sa sarili. "Natatakot ako... natatakot ako sa posibleng galit na maramdaman ni Casianna kapag nalaman niya 'to."

Luminous BeautyWhere stories live. Discover now