024

258 28 0
                                    

CHAPTER 24: HER SKILLS

Sera Madrigal

Sumandal kami ni Ryx sa magkabilang pintuan ng dalawang room. Nasa bungad naman ang mga lalaki. Napagplanuhan naming itago sila matapos ang sunod sunod na pagpapaputok nang hindi kilalang mga armadong lalaki.

Halos tatlo ang mga namatay at nakaiwas naman ang iba. Isa sa mga namatay ang batang niligtas ko sa dagat.

'Walang hiyang mga lalaki 'to. . Marami sigurong inaatraso.'

May pasimpleng naglakad sa direksyon namin, pawang mga nakasuot ng itim na coat.

Nagkatinginan kami ni Ryx at agad kong binunot ang baril na galing pa sa kan'ya.

Nang makalapit ay sinalubungan namin sila nang malakas na sipa sa t'yan dahilan para mapaatras ito, sumugod naman ang isa sa'kin at akmang sasaksakin ako nang pihitin ko ang doorknob pabukas kaya napasubsob ang lalaki sa sahig.

Sumugod ulit ang isa at akmang sasaksakin ako nang hawakan ko ang kamay nito at pinihit patalikod kaya napasigaw ito nang matindi kasabay nang pagbitaw ng kutsilyo. Sumugod ulit ang isa at hawak na nito ang kutsilyo. Iwinasiwas pa nito ang kutsilyo na animo'y nagyayabang.

Nginisihan ko siya. "Lapit..." naghahamong saad ko na itinaas pa ang kamay.

"Fuck!"

"What the hell is going on!"

Sunod sunod na sigaw ng mga nasa loob ng silid.

"Everything is under control! Lock the door!" walang lingon-lingon kong utos sa kanila at yumuko nang ambaan ako ng saksak ng isang lalaki.

Sinubukan akong saksakin sa braso ng isa pero nadaplisan lamang ako nito. Yumuko ako at pinatid ang isa na naging dahilan ng pagkatumba nito at inasinta ko ang hita nito gamit ang kutsilyong hindi ko alam na hawak ko.

Napalingon ako sa mga magkakapatid na papunta sa aming direks'yon.

'Umaatras ang mga gago! Dinadala pa ang kalaban sa pwestong 'to!"

Nanlalaki ang mga matang tinignan nila ang mga natumbang lalaki. Sumisigaw pa rin at umiiyak ang mga tao sa loob ng silid.

May sumugod na panibagong kalaban kaya't walang alinlangang pinagbabaril ni Ryx ang mga ito sa tiyak nilang kamatayan. Hindi makapaniwalang tinignan namin si Ryx.

Agad kong binuksan ang pinto at isa-isa silang pinalabas. Hindi na gan'on karami ang tao dahil ang iba ay mas piniling magmaneho paalis.

"Get out!" malakas na sigaw ni Ryx kaya agad napakilos ang mga ito habang umiiyak pa. "Wala kayong magagawa sa iyak, punyeta!"

Iginiya namin sila palabas nang ligtas. Kinindatan ako ni Ryx at inismiran ko naman siya at tuloy-tuloy kaming naglakad patungong parking lot.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang tignan si Ryx dahil may nararamdaman akong may sumusunod sa amin.

Marahas akong lumingon at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang baril na nakatutok sa direksyon namin.

"Freaky hell!" malakas na sigaw ko na ikinawindang ng iba at marahang yumuko.

"Damn!" bulalas ng magkakapatid nang makita nila ang mga armadong lalaki. Mabilis kaming nagtago sa likod ng kotse. Napaatras kami nang nagpaulan nang bala ang mga ito.

Hinanda ko ang aking sarili at saka ako gumulong pahiga at inasinta ang mga kalaban.

'Three down!'

Luminous BeautyWhere stories live. Discover now