What Happened Then (Flashback) 1 - Hot and Cold

637K 9.9K 446
                                    

AN: Para hindi malito, ang mga chapters na may title na WHAT HAPPENED THEN ay mga flashbacks. 


*Patricia*

One thing about being a rich kid is that after graduation, we do not need to worry about being hired.  We have our own company to fall back to. Habang nagsimula nang aralin ni Stuart ang pag-aasikaso sa kanilang kompanya, pinili ko namang magsimula ng sariling negosyo.  I decided to put-up my own label of customized cakes.

Malapit lang sa opisina niya ang kliyente kong pinag-deliveran ng cake kaya naisipan kong daanan siya. Anong magagawa ko? Na-miss ko kasi eh. Malapit na rin namang matapos ang oras ng trabaho niya kaya baka sabay na lang kaming lumabas para magdinner.

"What are you doing here, Patricia?" galit siyang nagtanong sa akin ng maisarado ko na ang pinto ng kanyang opisina.

 "I am here to see you. Masama bang dalawin ko ang boyfriend ko?" malambing kong sagot habang lumapit ako sa kanya para masahiin ang balikat niya.

"Ano ba, Patricia? May oras para magkasama tayo at may oras din para sa iba!" tumayo siya at lumayo sa akin, "Hindi oras natin ngayon kaya pwedi ba?"

"Hindi ka ba masaya na binisita kita?" nagugulohan kong tanong, "tatlong araw tayong hindi nagkita, Stuart. Hindi mo ako masisi kung bakit ako nandito. Yung iba nga eh. Masyadong possessive sa nobya nila habang ikaw naman, parang wala lang sayo na hindi tayo nagkasama."

"Iba tayo, Patricia," inis na saad niya sa akin habang hinihilot niya ang kanyang sentido, "alam mong iba ang sitwasyon natin."

Naiintindihan ko siya. Dalawang linggo na kaming nag-de-date, steady date pero hindi exclusive. Pinapayagan niya akong makipagkita ng ibang lalaki habang hindi naman ako pweding makialam kung may ka-date siya.  Nagugulohan ako kung ano ang meron kami kasi pagmaganda ang mood niya, I feel so loved, pero pag-mainit naman ang ulo niya ay walang alintanang sinisigawan niya ako.

"I'm sorry," yumuko ako, "n – na-miss lang talaga kita," naiiyak na ako.

"Pwedi bang umuwi ka na? Marami pa akong kailangang aayusin dito," okay lang sana kung yun lang ang sinabi niya pero may idinagdag pa siya, "nakakagulo ka lang dito."

Am I really that destructive to him? Hindi ko talaga siya maintindihan. Una – gusto niyang gawin ko ang lahat para mahulog siya sa akin pero paano ako kikilos kung tinataboy naman niya ako? Ang hirap niya talagang timplahin!

"Ano pang tina-tayo-tayo mo diyan?" mariin niyang tanong sa akin.

Tumalikod na lang ako para wala nang gulo. Lihim akong nagdasal na sana pigilan niya ang pagbukas ko ng pinto, na sana yakapin niya ako at sabihing mainit lang ang ulo niya kaya siya ganoon pero babawi siya, na sana – sana na-miss din niya ako; pero nakalabas na ako ng pinto, nakapasok na ng elevator, nakarating na sa aking sasakyan pero walang Stuart na sumunod sa akin.

Matamlay akong pumasok sa condo ko at nakita ko ang cake na ginawa ko kanina para sana sa kanya. Hindi ko pa yun nalagyan ng dedication kasi hindi ko pa alam kong anong magandang message na ilalagay ko. Pagkatapos nang nangyari ngayon, alam ko na kung ano ang dapat kong isulat doon – I am sorry, I just miss you.

Nilagyan ko na ng message ang cake at saka naisipang ipasok ito sa condo ni Stuart. Oo, alam ko na ang password sa condo niya. Binigyan niya ako ng access sa condo noong pauwi na kami galing sa island resort.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon