Chapter 26 - The Girl on His Bed

561K 8.1K 319
                                    

*Stuart’s POV*

Kumpleto ang barkadang nagtipon ngayon sa VIP room ng bar ni Mago.  May malaki kasing problema si Kaz kaya napagkasunduan naming magtipon upang mapag-usapan ang posibleng solusyon sa problema niya.

Sino ba kasi yung babaeng yun?” tanong ni Angelo.

I dunno, Pare,” sagot ni Kaz na ngayon ay pabalik-balik ang lakad habang sinasabutan ang ulo, “she was one of my fans.”

How did she end up on your bed?” tanong ko.  Pinag-usapan namin ang babaeng nasa kumalat na litrato sa internet na kasama ni Kaz sa isang hotel.  Nakahubad kasi si Kaz habang magkatabi sila sa kama ng babaeng nasa litrato kaya maraming nagtatanong tungkol sa mga litratong ito.

Argh! Ang alam ko, I have a concert at that time at pagkatapos ng concert ay lumapit ito sa akin upang magpa-autograph.  I was already drunk at that time dahil naiinis ako nang malaman kong magkasama kayo noon sa island resort,” tinuro niya ako.

So you are blaming me?” tinuro ko ang dibdib ko habang tumayo para pantayan siya.

Easy lang mga pare,” pumagitna si Marco, “hindi natin mareresolba ang problema kung init ng ulo ang paiiralin natin.”

Hindi na ako nagsalita pero naiinis pa rin ako.  Siya kasi itong basta na lang nag-uwi ng babae sa hotel niya tapos ang pagsama pa namin ni Patricia sa island resort nina Angelo ang ginawang dahilan.  Hindi ko naman pinagsisihan ang nangyaring yun dahil doon ko naamin sa sarili ko na mahal ko si Patricia, na sana noon ko pa ginawa.

Na-miss ko tuloy si Patricia, pero okay lang.  Buong araw ko naman siyang makakasama sa opisina bukas.  Excited na ako sa mga mangyayari bukas.  Sigurado akong magugulat siya sa ipapagawa ko sa kanya pero alam kong hindi rin siya makakatanggi sa akin – I’ll make sure of it.

Pare,” tapik ni Angelo, ”you’re spacing out again. Pwede bang tulungan muna natin si Kaz bago ka mag-imagine ng kung anu-ano diyan?”

Gago ka pare, nag-iisip ako ng solusyon,” pagsisinungaling ko.

So ano ang naisip mo?”

I was still assessing the whole situation,” pagkukunwari ko, “Kaz, sabihin mo nga sa amin ang detalye.”

*Kaz’s POV*

--flashback--

Mahigpit ang pagkahawak ko sa bote ng alak dahil sa sobrang selos na nararamdaman ko.  Magkasama kasi sina Patricia at Stuart ngayon at hindi ko alam kung saan sila nagpunta.  Gusto ko sanang sundan sila pero hindi ko rin magawa dahil sa concert ko.

Kakatapos lang ng concert ko kaya inaliw ko na lang ang sarili ko dito sa bar ng hotel.  Malalim na rin ang gabi kaya mejo lasing na rin lahat ang nandito kaya wala na masyadong nakakakilala sa akin. Ibinuhos ko ang lahat ng frustrations ko sa pag-inom ng alak.  Hangga’t hindi pa natapos ang isang buwan ko, hindi pa rin ako susuko.  Alam kong ako ang masasaktan pero mas mabuti na rin yung nasaktan ako pero may nagawa ako kaysa pagsisisihan kong mawala siya sa akin na hindi man lang ako sumubok.

Hi, I know you. You are Kaz Legaspi, ” may lumapit sa akin na babae, ”I am Yen-yen.”

Inilahad niya ang kamay niya na tinanggap ko naman.  Artista ako at kasama sa trabaho ko ang maging magalang kahit nagnunuot na ang inis sa loob ko.

Can I join you?” sabi nito.  Tumango lang ako saka bumalik sa pag-inom ng alak.

So, bakit nag-iisa ang isang Kaz Legaspi sa araw ng mga puso?” nakangisi nitong tanong.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon