Chapter 52 - One Step Closer

510K 7.4K 391
                                    

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at   https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Adonis FB Group ----  https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/

*3rd POV*

Kumusta na sila?” tanong ko sa bisita ko.

Nakabalik na sa trabaho si Patricia pero galit pa rin ito hanggang ngayon kay Stuart,” saad ng kausap ko.

Mukhang kailangan na nating kumilos. Naging mahina na ang diskarte ni Stuart,” sabi bago uminom ng kape.

Ang anak kasi ni Stuart kay Sandra ang dinadahilan ni Patricia,” sagot niya.

Kumusta na nga pala ang bata?” naalala ko ang anak ni Stuart kay Sandra.

Si Lexy? She is currently fighting leukemia.  Hindi daw nagmatch ang bone marrow ni Stuart sa bata,” malungkot niyang balita.

Sumikip ang dibdib ko sa narinig ko na isang 2 years old na bata ang ngayo'y matapang na nakikipaglaban sa sakit niya, ”ano daw ang plano ni Sandra?

Hindi ko pa nakausap si Sandra pero ang alam ko, umuwi ang pinsan niyang si Steve para subukang magpatest kung magkamatch ba sila ng bata,” paliwanag ng kausap ko.

Tumango lang ako sa kanya, ”kikilos na tayo.”

 *Stuart’s POV*

Binigay ko ang hinihingi niyang space pero siniguro ko pa rin na nasa malapit lang siya.  Siya ang ginawa kong head sa paghahanda para sa anibersaryo ng kompanya.  Alam kong gusto niya ang trabahong iyun dahil kahit noong nasa college pa kami, siya lagi ang inaasahan ng university na mag-organize ng mga ganitong handaan. 

Sa loob ng isang linggo, nakontento na lang ako na makita siya sa malapitan.  Kahit hindi niya ako kinakausap o tapunan man lang ng tingin,  okay lang sa akin dahil ang importante, nakikita ko siya at nalalaman ko kung okay lang siya.  Nakatulong din ang pagiging busy niya sa handaan dahil malaya akong nakakatitig sa kanya habang masyado siyang nakatutok sa mga ginagawa niya.  I love her – so much and I will do everything to bring her back to me.  I’d rather lose everything I have than lose her again.

Is the mini stage ready?” narinig ko siya na may kausap sa phone, “how about the menu?

Napailing na lang ako dahil kaninang umaga pa niya kinukulit ang mga committee leaders niya. Ang totoo, naaliw akong pakinggan siya.  Kahit hindi ako ang kinukulit niya, I still find it cute.  Kailan kaya niya ako kukulitin muli.  Nakangiti akong nakatitig sa kanya habang iniimagine ko na busy siya sa paghahanda sa kasal namin. Napangiti ako sa naisip ko dahil kung papayag siyang pakasalan ako, gagawin ko yun kaagad. Sisiguaraduhin kong matali muna siya sa akin at pagkatapos nun, pakakasalan ko siya sa kahit saan niya gusto at sa kahit sa anong paraan.  Ayokong maudlot muli ang mga plano ko.  Maraming pwedeng mangyari sa ilang araw na paghihintay.  Tulad lang noong hinayaan ko siyang sumama sa tour habang inasikaso ko ang dapat sana’y picnic proposal ko sa kanya.  Hindi ito natuloy dahil sa umeepal na si Kaz.  At nung sigurado akong hindi na mangingialam si Kaz, natuloy nga ang proposal, naudlot naman ang kasalan dahil sa pagdating ni Sandra.

Masyado mo naman atang pinipressure ang mga committee leaders mo,” hindi ko napigilang magsalita.

You gave me this job and I have to do it right,” saad niya na hindi ako nilingon, ”the party will be in four hours and I can’t take chances,” Hindi na ako kumibo at patuloy ko nalang siyang pinagmasdan.  I can’t wait to see her tonight and I am going to everything to make this night, my night.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon