Chapter 47 - The Intruders

488K 7.4K 856
                                    

(Ang determinadong Stuart na makuha si Patricia - on the media)

*Patricia's POV*

"Patricia, bumangon ka. Mag-usap tayo," ginising ako ni buntis.

"Janine," kinusot ko ang mata ko at tinignan ang orasan kung saan nalaman kong alas sais pa pala ng umaga, "ang aga mo naman."

"Umayos ka nga diyan at mag-usap tayo,"namaywang siya.

"Eto na!" tamad akong bumangon at umupo sa kama.

"Hanggang kailan mo balak tumira dito?" mataray niyang tanong.

"Bakit? Pinapaalis na ba ako ni Kaz?" sagot ko habang sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.

"Maging sensitive ka nga, Patricia. Isang buwan ka nang nakatira dito, hindi mo ba naiisip kung ano ang nararamdaman ni Vivienne?" inis na tanong ni Janine.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita, "Janine, alam nating dalawa na nagpapanggap lang sila bilang mag-asawa at palabas lang ang lahat ng sweetness nila."

"Kahit na! Hindi mo ba naisip na pwede kang maging hadlang sa love story nila?" saad ni Janine.

Natawa ako sa sinabi ni buntis, "Tama na nga yang pagbabasa mo ng Wattpad.  Pati tuloy buhay nina Kaz at Vivienne tinutulad mo sa mga nababasa mo."

"Hindi ako nagbibiro, Patricia," inis na saad ni Janine, "hindi mo ba aayusin ang sa inyo ni Stuart? Sabi ni Vivienne hinayaan mo raw siyang magpaulan kagabi hanggang sa makatulog sa gate.  Hindi ka na ba naaawa sa tao?"

"Wala na kaming pag-uusapan. Bakit ko pa siya haharapin," matabang kong sabi.

"Wala? Tignan mo nga sarili mo!"hinila niya ako at iniharap sa salamin, "maga ang mga mata mo at ang lalim na ng eyebags mo. Bakit mo ba pinapahirapan ang mga sarili ninyo kung pwede namang ayusin niyo na lang ang lahat?"

"You don't understand, Janine," hindi ko nanaman napigilang umiyak, "hindi naman madaling kalimutan ang lahat ng ginawa niya.  Pinsan ko ang babaeng matagal na pala niyang minahal at siya pa ang naging ina ng kanyang anak."

"So ano? Iiyakan mo ang kasalanang nagawa nila?" tinaasan niya ako ng kilay habang pareho kaming nakaharap sa salamin, "Ano ang gusto mo? Ibalik natin sa sinapupunan ang anak ni Sandra para wala na ang katibayan na minsan naging taksil sa iyo ang pinsan mo at ang taong mahal mo? Ano gusto mo? Gusto mo bang patayin na lang si Sandra para makabawi ka man lang sa sakit na nararamdaman mo?"

"I don't know!" napahilamos ako sa mukha.  Hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto ko ngayon.  I can't stop myself from loving Stuart pero masakit pa rin ang lahat.  Hindi ko pa rin kaya siyang patawarin.  Hindi ko pa rin matatanggap na sa lahat ng pwede kong maging karibal, si Sandra pa – ang pinakamatalik kong pinsan pa.

"Patricia, ipinaliwanag na sa'yo di ba? May asawa na si Sandra. Masaya na siya sa piling ni Xander at wala na sana siyang balak ipaalam na may anak sila ni Stuart dahil itinuring na ni Xander na anak si Lexy.  May sakit ang bata, yun lang ang dahilan kung bakit kailangan niyang ipaalam kay Stuart na nagkaanak sila," pilit na ipinaliwanag ni Janine.

"Pero ginawa pa rin nila akong tanga!" naglakad ako palayo sa kaniya habang hinihilot ang ulo dahil mukhang nahihilo na ako sa kakaiyak.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon