What Happened Then (Flashback)4 - First Night

510K 8.3K 1.1K
                                    

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang binabaybay namin ni Stuart ang daan patungo sa hotel suite namin. Hindi ko itatangging I anticipated something when we reach our room. Excited ako na kinakabahan sa kung ano ang pwedeng mangyari sa amin ngayong gabi.

Yes – we made out but we never reached all-the-way. Masyadong malakas ang self-control ni Stuart dahil kahit alam kong init-na-init na siya ay nakakayanan pa rin niyang pigilan ang sarili sa pag-angkin sa akin. Sa ganoong paraan ko nasabing may halaga ako sa kanya dahil nirespeto niya ako kahit alam niyang hindi ko siya tatanggihan kung sakaling hingin man niya ito sa akin.

Mahal na mahal ko si Stuart kaya sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas, asawa na niya ako at ngayong gabi, magiging ganap na babae na ako. Siya lang at sa kanya ko lang balak isuko ang Bataan ko kaya sobrang saya ko ngayon.

Tahimik lang si Stuart pero hindi ako nabahala.  May baon akong lingerie kaya aakitin ko siya ngayong gabi. Isang taon lang ang ibinigay niya sa akin para mapa-ibig ko siya kaya wala akong sasayanging panahon. Sisimulan ko ang pagpapaibig sa kanya ngayong gabi.

Pinasok namin ang isang malaking silid. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuohan nito. Isa itong honeymoon suite kaya romantic ang ambiance – dimlights, king-sized bed with see-through draperies that reach the floor, and aromatic scent. May dalawang wine glasses at isang wine din na nakapatong sa tea table. Courtesy daw ito ng hotel dahil dito namin indinaos ang aming kasal, reception at pati na ang honeymoon. Kung ibang babae, iisipin nilang tinipid sila pero hindi yun issue sa akin. Ang mahalaga ay magiging isa na kami ngayong gabi ni Stuart.

"Shower muna ako," nahihiyang kong pagpapaalam sa kanya.

Ayokong magmadali at ayoko ring sobrang magtagal sa banyo kaya ginawa ko lang ang aking normal routine bago matulog. Pinili ko ring suotin ang isang red lingerie na made of lace. Sinuot ko ito saka tinitigan ang sarili sa salamin. Napangiti ako habang iniimagine ang maaring reaksyon ni Stuart paglabas ko.

Maingat na binuksan ko ang pinto at sinilip si Stuart pero nadismaya ako sa nakita ko. Stuart was in deep sleep while lying on his stomach on top of our bed. Napabuntong hininga na lang ako at nilapitan siya. He looked so calm while he sleeps at ayoko siyang gisingin. Alam kong napagod siya kaya ipagpapaliban ko na lang muna ang pag-iisa namin. Haayz, one night down, three hundred sixty-four to go.

Dahil maginaw, napagpasyahan kong magpalit ng lang ng comportableng pantulog. Tumabi na lang ako sa kanya at pinilit ang sarili na makatulog. Halos isang oras ata akong nanatiling gising dahil hindi ako makatulog habang katabi siya, nang maramdaman kong kumilos siya. Nagpanggap akong tulog kaya hindi ako kumilos.

Narinig kong may tinawagan siya.

"Saan ka ngayon? Huwag kang aalis diyan, susunduin kita," may kirot sa puso ko ng marinig kong aalis siya sa gabi ng honeymoon namin. "She is asleep – Please let me see you," narinig kong nagbuntong hininga siya, "hinintay kong mahimbing siyang makatulog para malaya akong makaalis. We need to talk – we need to talk about us."

Naramdaman kong tumayo na siya at naghakbang papunta sa pinto namin hangga't binuksan niya ang pinto at tuluyan nang lumabas. Doon na tumulo ang luha ko pero wala akong magawa kundi hintayin siya. Binigyan niya ako ng isang taong mapatunayan na pwedi niya akong mahalin kaya hindi ko siya gagalitin para hindi siya masyadong lalayo sa akin. Ganyan ko siya ka-mahal.

10AM – Magdamag ko siyang hinintay pero hanggang sa oras na ito ay wala pa rin ang asawa ko. Iniwan ba niya ako at sumama na sa katagpo niya kagabi?

*Stuart's POV*

Tahimik lang akong naglakad kasama si Patricia patungo sa honeymoon suite namin. Kanina ko pa kasi gustong makausap si Sandra pero masyadong clingy si Patricia dahil kung saan ako ay nandoon din siya. Natatakot ako na baka umalis nanaman si Sandra nang walang paalam. We really need to talk kaya gagawa ako ng paraan para magkausap kami.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon