Chapter 12 - The Stalker's Stalker

692K 11.8K 2.4K
                                    

*Stuart's POV*

Lihim akong nakamasid sa kanya habang papasok siya sa isang maliit na eskinita. Hindi ko lubos maisip na ang isang dating princessa ay dito na nakatira sa isang maingay at masikip na squatter.  Napasuntok ako sa manibela nang maalala ko ang mga nakaraang araw.  Ang gago ko! Napansin ko na dati ang matamlay niya na mga ngiti pero hindi ko inalam kung bakit.

Naalala ko ang malungkot niyang mukha nang hinarap ko siya kanina bago siya pumasok sa silid. Nakikita ko na ayaw niya sa ginagawa niya pero wala siyang magagawa. Gusto ko siyang tulongan.  Gusto ko siyang i-ahon sa kahirapan. Pero paano? Ayoko siyang umasa dahil masasaktan lang siya muli.

Late na nang pumasok ako sa opisina – okay lang naman kasi walang problema sa kompanya at ako naman ang may-ari nito.  Hindi kasi ako nakatulog agad dahil sa nasaksihan ko kagabi.  Mula sa glass window ng opisina ko ay natanaw ko ang Blue Plate.  Ilang sandali akong nakatitig dito hanggang sa kusang maglakad ang mga paa ko papuntang elevator.  Saan ako pupunta? Aist! Silipin ko lang kung kumusta siya.

"Good morning po, Sir," bati ng guard sa akin.

"Good morning, Sir," natataranta namang salubong sa akin ng manager. Bihira lang kasi akong bumisita dito kahit ilang metro lang ito sa opisina ko.

Tumango lang ako sa kanila at nagtingin-tingin sa mga display at nakita ko ang isang layer ng blueberry cheesecake. Mariin kong naipikit ang mga mata ko sa naalala kong pagpapahirap sa kanya noon. Ang gago ko! She did everything to keep her job while I was hoping she would quit.

Ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko na humanga ako sa katatagan niya. 

"Sir, gusto niyo po ng blueberry cheesecake?" pagputol ng manager sa iniisip ko.

"Mamaya na, gusto ko lang munang i-check ang kitchen," malimit kong sagot saka naglakad papuntang kitchen.

Nakita ko siya agad nang pumasok ako sa kitchen. Tahimik lang akong nakakatitig sa kanya habang dinedisenyohan niya ang isang cake. Mas lalong bumigat ang loob ko nang makita ko ang kanyang napakamaamong mukha habang tutok na tutok sa ginagawa niya. Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso nang makita kong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmasdan ang katatapos niya lang na cake.  She loved what she is doing – her smile is so calming.

Pasimple akong tumingin sa ginagawa ng isang baker sa gilid nang hindi ko inaasahang mapalingon siya sa kinaroroonan ko.  Sana hindi niya napansin na kanina lang pala ako nakatitig sa kanya.  Ewan ko ba kung bakit pero parang may magnet na humihila sa akin papunta sa kinaroroonan niya.

Napansin kong busy siya sa paggawa ng sylvanas kaya muli ko nanaman siyang tinitigan.  She was gentle in what she is doing. Pakiramdam ko parang bumagal ang mundo. Nakatayo lang ako sa gilid niya pero agad akong tumingin sa mga ginawa niyang sylvanas nang lumingon siya sa akin.

"Pwedi bang tikman?" tanong ko sa kanya.

"H-huh? Ah, s-sige po," nauutal niyang sagot na nagpangisi sa akin. Dahil sa inasal niya, nalaman kong may epekto pa rin pala ako sa kanya.

Lumapit ako para kumuha ng isang sylavana pero nang maramdaman kong malapit lang pala ang mga mukha namin, napagpasyahan kong isubo ang sylvana sa harap niya habang nakatingin lang ako sa mga mata niya. Inaakit ko ba siya? Hindi ko alam, pero gusto ko ang ginawa ko.  Naramdaman ko ang kakaibang saya nang makita kong ilang beses siyang napalunok saka kumukurap-kurap ang mata bago bumawi at nagpanggap na magpatuloy sa ginagawa.

'She's still into me,' proud na naisip ko sa sarili kaya hindi ko napigilang magsalita, "Why don't we have lunch together to make up with yesterday?"

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon