Chapter 54 - Holding On

507K 7.4K 584
                                    

Chapter 54 — Holding On

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at   https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Adonis FB Group ——  https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/

*Stuart's POV*

Hindi ko masukat ang kaligayahang naramdaman ko dahil sa imahe ng isang babaeng natutulog sa tabi ko.  Mahimbing siyang nakahiga habang nakakulong sa bisig ko. Mahina kong hinaplos ang kanyang mukha gamit ang daliri ko pero gumalaw siya at isiniksik ang mukha sa unan kaya pinigilan ko ito at binulong, "Don't hide from me, sexy."

"Hmm," narining kong sagot, "antok pa ako."

"Haha! Ano ba ang iniisip mo?" tanong ko.

"You are seducing me, mister!" idinilat niya ang kanyang mga mata at inirapan ako.

"Seducing? Wala naman akong ginawa ah," hinigit ko siya palapit sa akin, "pero kung naseduce ka talaga, pwedi naman nating gawin ulit yung ginawa natin kagabi."

"Baliw ka!" mahina niya akong hinampas sa braso, "sabi ko sayo di ba? Inaantok pa ako."

"Hmm," hinalikan ko ang noo niya, "I love you."

"Love you too," nakapikit niyang sagot, "pwedi bang magbehave muna yang kamay mo? Lumalakbay nanaman kasi."

"Lumalakbay ba?" nagkunwari akong hindi ko alam, "may sarili atang mga utak ang mga yun kasi hindi ko naman sinabi sa kanila na maglakbay eh."

"Stuart," D@mn, that was sexy! I like it whenever she uttered my name.

"Yes, love?" yumuko ako at hindi na hinintay ang sagot niya dahil sinakop ko kaagad ang mga labi niya.  Hindi naman ako nabigo dahil agad siyang tumugon sa mga halik ko. Nalulunod na sana kami sa mga halik namin nang biglang may nag-doorbell.

"Love," sabi niya sa pagitan ng halikan namin, "m-may tao."

"I am not expecting anyone today kaya hayaan mo na yun," patuloy ko siyang hinalikan.

Mas lalo kong idiniin ang halik namin ngunit muling may nagdoorbell pero sa pagkakataong ito, sunod-sunod ang pagtunog ng doorbell kaya dismayado akong humiwalay sa mga labi niya.

"Stay here," utos ko sa kanya, "hindi pa tayo tapos."

"Haha!" she laughed sexily, "hindi ba ako maghahanda ng almusal?"

Napahinto ako sa pagbangon at agad na binalikan siya at hinalikan muli sa labi, "Labi mo pa lang, busog na ako."

"Eh paano kami ni baby?" ngumuso siya.

"Magpapadeliver na lang ako ng breakfast," sabi ko saka tumayo.

Masaya ako sa set up namin ngayon.  Asawa ko siya; asawa niya ako.  Akin siya; sa kanya ako.  Dahil sa sobrang saya hindi ko na sinilip kung sino ang tao sa likod ng pinto.  Agad ko itong binuksan kaya hindi ako nakapaghanda sa makikita ko.

"Hi Stuart," bati sa akin ng isang babaeng may kasamang matamlay na bata.

*Patricia's POV*

Ayoko pa sanang bumangon kaso mejo natagalan na kasi si Stuart.  Kumuha ako ng masusuot at nagpasyang lumabas na lang.  Hindi ko alam pero kinakabahan ako. 

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon