Chapter 24 - The Broken Hearted People

592K 9.1K 804
                                    


*Patricia’s POV*

Inihatid ako ni Stuart sa hotel kanina. Ayoko sanang pumayag pero nagpumilit siya.  Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka guni-guni ko lang ang lahat – na hindi naman talaga niya ako mahal.  Baka nga nakikipagsukatan lang siya kay Kaz.  Wala kasing bakas na selos sa mukha niya. Nakangiti pa nga siya noong pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kotse.

Stuart, ano ba talaga?’ bulong ko sa sarili ko, ’hulog na hulog na ako sa’yo bakit hindi ka tumitigil sa pagiging pa-fall mo? Saluhin mo naman ako oh.

Hindi ko na siya nilingon nung naglakad na ako patungong hotel.  Ewan, pero nasasaktan ako na ni hindi man lang niya ako pinigilan.  Para lang akong isang laruan na ipinahiram sa kaibigan niya.  Naguguluhan na rin ako. Hindi ko kasi alam kung ano status namin.  Kung makahalik kasi siya, parang kami na pero hindi naman niya sinasabing mahal niya ako.

Miss Sandoval?” lumapit sa akin ang isang bellboy,”may nagpapabigay po sayo. Itago niyo raw po ang note.”

Ibinigay niya sa akin ang isang white long-stemmed rose na may kasamang note kaya agad akong lumingon-lingon sa paligid.  Ito kasi ang pang-anim na beses na nakatanggap ako ng ganito ka-mysteryosong note.  Tulad nung limang nauna kong natanggap, may numero ito sa taas at may watermark din.  Nag-alala tuloy ako kasi baka isa itong stalker na alam lahat na ginagawa ko kasi kahit saan ako magpunta, may lagi akong natatanggap mula sa kanya.

Agad kong itinago ang note sa wallet ko saka ako nagpatuloy sa paglakad.  Naisip ko na baka may secret message ang mga notes. Anim na notes na may iba’t ibang watermarks: I, O, L, L, T at ? – habang ang mga numero naman ay 1, 3, 5, 12, 25,at 29.  Ano kaya ang nakatagong mensahe nito.

Patricia, pumasok ka na.  Kanina ka pa hinihintay ng costumer mo,” salubong ni Kuya Tom sa akin.

Hindi naman ako late ah,” pagtanggol ko sa sarili.

Maaga kasi siyang dumating.  Paano, kailangan pa raw nilang iligaw ang mga sumusunod na media men. Sikat pala yang costumer mo,” napakamot si Kuya Tom sa batok.  Hindi kasi siya mahilig sa showbiz kaya hindi niya kilala si Kaz.

Patricia,” yakap ni Kaz sa akin nang makapasok na ako sa silid.

Grabe ka, ganito mo ako ka-miss?” pilit kong iniwaksi ang pagka-ilang ko sa kanya. 

Kung pwedi lang kitang ipasok sa bulsa ko, ginawa ko na,” nakangising sabi niya, ”gusto ko kasing kasama kita palagi.”

Tigilan mo na nga yang pagbanat mo, Kaz,” hinampas ko ang kanyang braso saka maunang naglakad, ”naiilang na ako sa’yo eh.”

I love you,” bigla niya akong hinila saka niyakap.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon