Chapter 1: He is Back!

979K 14.5K 446
                                    

Patricia's POV

Nagmamadali akong pumunta sa Bubble Tea dahil kanina pa ako hinihintay ni Janine doon. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pero bakit naman kasi "URGENT!" ang nakasaad sa text niya. 

"Pat!" Sinalubong ako ng yakap ni Janine.

"Janine, relax. Why are you so giddy?" sabi ko sa kanya nang humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.

"Ohemz, Patricia! You must hear this," hindi ko alam kung nasobrahan ba 'to nang sugar sa milk tea niya o sadyang hyper lang talaga siya ngayon. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hinintay kung ano ang sasabihin niya.

"I have two good news! Which one would you like to hear first?" nakakaloka niyang tanong. Ano ba ang pipiliin ko?

"Ops! Silly of me. Haha," she grinned, "yung first good news ay tungkol sa love life ko. Yung pangalawa naman, tungkol sa love life mo. So, which do you want to hear first?"

"Yung tungkol sa love life mo," I slumped at the table, "mahigit dalawang taon na akong walang love life baka nakalimutan mo."

"Yun ang akala mo! But anyway, sige ito na – my first news is," ngumiti siya ng pilyo at inilapag ang isang pregnancy test kit sa table. As in seriously? Sa table talaga! Pero lumaki ang mata ko ng makita ang dalawang guhit doon.

"Oh shoots! Janine, buntis ka?"

"One hundred percent" napapalakpak pa siya habang parang kumakanta naman ang pagkasabi niya.

"And the second news is," she stopped and smile – pa-thrilling pa!

"Mr. Stuart Cordoval is finally back in the Philippines!" itinaas pa niya ang dalawang kamay niya na para bang nanalo sa lotto.

"Seriously?" bulong ko.

Bumalik siya – ang sweet dreams na nightmare ko, ang vitamins na lason ko, ang kasiyahan na kalungkutan ko. He is finally back.

"Oh, bakit ka natahimik? Hindi ka ba masaya?" si Janine.

"Siyempre, masaya," mahina kong sagot.

"Bakit parang malungkot ka?" tanong ni Janine, "Ayaw mo na ba?"

"Tama na siguro yung apat na taon akong nagpakagaga sa paghahabol sa kanya tapos isang taong nagpakatanga sa pag-asang mamahalin niya ako," bagsak balikat kong sagot.

Oo, apat na taon akong naging stalker ni Stuart at hindi lang stalker, inaaway ko ang kahit sinong babae na mapalapit sa kanya. Bakit ko ginawa yun? Dahil umaasa ako bitiwan ng magaling kong pinsan.

*Flashback*

"Cuz, sino yung nagplay ng drums?" tanong ko habang nakatutok pa rin sa drummer.

"Siya yung sinasabi kong bestfriend ko. Siya si Stuart Cordoval. Type mo ba?" dire-diretsong sagot ni Sandra.

"Huh? Ah-eh," nahihiya akong sumagot.

"Sus! Huwag ka nang mahiya. Marami talaga ang nagkakagusto sa mga members ng Adonis band pero huwag kang mag-alala, malakas ka sa akin kaya ikaw ang ilalakad ko sa bestfriend ko," walang alinlangang sabi niya saka niya ako hinila.

Dinala niya ako sa backstage at doon namin hinintay na matapos ang huling kanta ng Adonis band.  Hindi ko sila gaanong kilala dahil hindi ako taga-rito.  Sa ibang school ako nag-aaral, sa isang exclusive for girls. Sinamahan ko lang si Sandra dahil hindi siya pinayagang umalis na walang kasama.  Wala din naman akong ginagawa sa bahay kaya pumayag akong samahan siya.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon