Chapter 39 - The Stuart Way 1

549K 9.6K 906
                                    

*Patricia’s POV*

Nagising ako na nakakulong pa rin sa mga bisig ni Stuart.  Aaminin ko, naging kuntento ako sa sitwasyon namin – yung para niya akong asawa kahit alam kong empleyado lang ang tingin niya sa akin.  Ipinagkasya ko na lang ang sarili ko sa kaunting lugar sa kanyang puso dahil kahit papano, nararamdaman kong pinahalagahan niya ako ngayon.

Mahimbing pa ang tulog niya pero dahil kailangan kong magluto ng maaga, dahan-dahan akong kumawala sa pagkayakap niya at bumangon na.  Naghahanda na ako ng agahan ng marinig kong may pintong bumukas.

Good morning,” masiglang bati sa akin ni Libra.

Good morning,” tipid kong sagot dahil ang totoo, nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya kahapon.  Kaya pala siya nainis nang tinawag ko siyang idiot dahil topnotcher pala siya sa bar exam at ngayon ay isa siyang sikat na crime defense lawyer.

Anong niluluto mo?” lumapit siya sa akin.

Corned beef omelet,” sagot ko habang hinahain ang niluto ko, ”Uhm, Libra?” hinarap ko siya,”Yung kahapon–

Naku wala yun,” tumawa siya, ”inaasar lang kita kasi ang cute mong magselos.”

Hindi ko alam kong inaasar pa niya ako o hindi dahil ang totoo, hiyang-hiya ako lalo na nahalata niya palang nagselos ako kahapon.  Nahalata din kaya ni Stuart?

Bakit nga pala naisipan ni Stuart na kunin kang bodyguard? Nahiya tuloy ako kasi bigtime lawyer pa ang bodyguard ko,” pilit kong iniba ang usapan.

Dahil ang bagal niya, baka makawala ka pa,” diretsong sagot niya na hindi ko naman naiintindihan.

Madali kaming natapos ang almusal at nagkanya-kanyang gumayak para magtrabaho.  Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko.  Nang makapaghanda na, agad kaming umalis patungo sa opisina. This time, ako na ang nakaupo sa harap, katabi si Stuart.

Anong schedule ko ngayon?” tanong ni Stuart nang makarating na kami sa opisina niya.

Tumawag po ang marketing department.  Handa na po silang ilahad ang plano nila para sa gagawing talastas para sa Blue Plate,” sagot ko.

Okay, set a meeting with them at ten,” saad niya habang kumuha ng file sa table niya at nagsimulang magbasa.

Tumango na lang ako bilang sagot at tinungo ang aking mesa. Napangiti ako sa nakita kong isang regalo na nakapatong sa mesa ko. Nilibot ko kaagad ang paningin ko sa paligid, nagbakasakaling makikita ko pa ang taong naglagay nito sa mesa ko.  Mabuti na lang rin na wala si Libra, ayoko kasing magsumbong siya kay Stuart tungkol sa mga natatanggap kong mystery notes.  Mahal ko si Stuart pero gusto ko lang malaman kung sino ang nagbibigay sa akin ng mga regalo kasi gusto ko siyang pasalamatan sa pagbibigay niya ng halaga sa akin.

Dalawang notepad ang nakalagay sa regalo.  Yung isa, nakapikit sa regalo na may numerong 23 at letrang ”F”. Yung isa naman ay nakadikit sa mismong laman ng regalo. Ang numero nito ay 14 at ang letra ay ”Y”.  Pero nagulintang ako nang makita ko ang mismong regalo.  Isa itong picture frame na may stolen shot ng imahe ko.  Kung hindi ako nagkakamali, isa itong kuha noong nasa kolehiyo pa lang ako at kuha ito noong nagpraktis kami nang sayaw. Halatang ako ang kinunan ng litrato pero ang mas napansin ko ay ang imahe ni Stuart na malayong nakatayo sa likod ko.  Seryoso itong nakatingin sa gawi ko habang ako ay abala sa pagturo ng sayaw.  Agad kong itinago ang picture frame nang marinig kong bumukas ang elevator.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon