Chapter 25 - The New Secretary

568K 9.6K 454
                                    

*Stuart’s POV*

Inis akong napasalampak sa couch ng opisina ko habang hawak-hawak pa rin ang newspaper na naglalaman ng artikulo tungkol sa mysteryosong babaeng kasama ni Kaz noong nabangga ito.  Alam ko kung sino ang tinutukoy nila dahil si Patricia lang naman ang babaeng kasama ni Kaz noong naaksidente siya.  Pero hindi yan ang nagpapainis sa akin.  Nainis ako sa blind item na nakasulat tungkol sa kumakalat daw na litrato ni Kaz na kuha daw sa isang hotel at may kasama itong hindi pa nakikilalang babae.

Napakuyom ako ng maisip ko na hindi nag-ingat si Kaz dahil naidawit niya si Patricia sa isang iskandalo.  Kilalang artista at singer si Kaz kaya hindi maiwasang susundan siya kahit saan siya magpunta.  Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagulat nang malaman kong nabangga sila dati dahil sa paparazzing nakasunod sa kanila.

Roger?” tawag ko sa telepono, ”nagawan mo na ba ng paraan?

Areglado na, Stuart,” sagot nito sa akin, ”Ako na ang bahala kay Kaz.”

Good, alam na ba ng mga taga Gracieoux?

Oo, napaalam ko na sa manager nila.  Kelan ka magsisimula?” si Roger sa kabilang linya.

Sa susunod na linggo na lang.  Gusto ko rin sanang maasikaso yung tungkol sa mga kumalat na litrato,” seryosong sagot ko.

Yun ba?” matagal itong natahimik, ”hindi pa kasi namin nakikita ang sinasabi nilang litrato.”

May kutob ako na si Patricia ang sinasabi nilang kasama ni Kaz sa kuwarto ng hotel kaya gawan mo ng paraan na hindi na ito kumalat.  Kung kailangan makulong ang nagpakalat nito, gawin mo.  I am willing to pay any amount just to clear my wife’s name,” sinabi ko yun saka pinutol ang tawag.

Oo, nakipagsabwatan ako sa manager ni Kaz.  Wala kasi itong magawa kundi makipagtulungan na lang sa akin dahil pamumuhay niya ang nakasalalay dito.  Si Kaz ang natatanging sikat niyang alaga dahil yung ibang mina-manage niya ay hindi sumikat kaya kung masira ang image ni Kaz, malaki ang magiging kawalan nito sa kanya.

Teka – did I just call Patricia, my wife? Napangisi ako sa isipang asawa ko siya, hindi pa man ngayon but she will be.  I will do everything that it will take para magiging asawa ko siyang muli.  Mahal ko siya at nararamdaman kong mahal din niya ako, kaya hindi ko hahayaang basta lang siya mawala sa akin.

Dahil bigla ko na lang na-miss si Patricia, naisipan kong dalawin siya sa Blue Plate.  Wala akong maisip na dahilan kung bakit ko siya dadalawin, bahala na siguro.  Sa daan na lang ako mag-iisip ng dahilan. 

Alam niyo, pakiramdam ko kilala ko ang girlfriend ni Kaz Legaspi” natigilan ako sa paglakad nang marinig ko ang isang empleyadong nagsalita sa coffee-break area.

Ows? Sino?” tanong naman noong isang empleyado.

Hindi ako sure pero sa tingin ko isa ito sa mga empleyado ng Blue Plate. Narinig ko kasing nagkagulo daw sa Blue Plate kahapon dahil dinalaw daw ni Kaz ang girlfriend nito at kinantahan pa raw,” kinikilig na sabi noong isang unang nagsalita.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon