Chapter 16 - Valentine's Day

740K 11.8K 1.9K
                                    

*Stuart’s POV*

Naisahan ako ni Kaz kahapon kaya hindi na ako papayag na maisahan pa niya ako ngayon. Sinigurado kong hindi nanaman niya maagaw sa akin si Patricia dahil bukod sa may concert siya ngayon ay malayo din ang pagdadalhan ko kay Patricia ngayon. Pinasarado ko ang Blue Plate ng dalawang araw at maagang pinapunta ang mga empleyado sa tagpuan namin dahil dadalhin ko sila sa isang private island resort na pagmamay-ari nina Angelo. 

Kumpleto na ba ang lahat?” tanong ko sa assistant ko habang nakatingin sa bus na magdadala sa amin sa airport.

Hinihintay pa natin si Patricia, Sir” sagot niya, ”wala daw kasi siyang masakyan na tricycle papunta rito kaya nag-aabang na lang muna siya ng taxi.”

Alas kwatro pa kasi nang umaga kaya wala pang tricycle. Hindi pa naman kami male-late sa flight namin dahil 7:30AM ang schedule nito pero hindi ko maiwasang mag-alala na baka hindi darating si Patricia.

Text her. Sabihin mong susunduin ko siya,” wala na akong pakialam kung ano ang iisipin ng ibang empleyado. Kung magtatanong sila, handa akong sabihin sa kanila na ex-wife ko si Patricia. I just don’t want to risk the chance dahil sa konting panahon na’to, pwedeng itakas nanaman siya ni Kaz. 

Hindi ko na hinintay ang sagot ng assistant ko dahil agad na akong sumakay sa kotse at pinaandar ito. Madali kong narating ang boarding house niya dahil walang traffic. Nakita ko naman siya kaagad na nag-aabang sa gilid ng kalsada.

Sakay na,” utos ko sa kanya habang kinuha ko ang kanyang mga gamit at nilagay sa likuran ng kotse. Hindi ko na rin pinansin ang nagugulat niyang mukha dahil baka masunggaban ko yun ng halik dahil naiinis ako na iniwan niya ako sa ere kagabi.

’Ngayong gabi, Patricia,” bulong ko sa sarili, ’sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala sa akin.’

Narating namin kaagad ang parking lot kung saan naghihintay ang bus na maghahatid sa amin sa airport. Agad namang bumaba si Patricia pagkapark ko pero inunahan ko na siyang kunin ang gamit niya sa likod. Hindi ako nagsalita pero hinawakan ko ang kamay niya habang papunta na kami sa bus. Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin niya sa ginagawa kong paghawak sa kamay niya. Napagpasyahan ko nang i-sort out ang feelings na nararamdaman ko kaya bahala na kung ano ang mangyayari.   

Bakit dito ka naupo?” tinanong niya ako nang pinaupo ko siya sa bahaging harapan ng bus saka tinabihan.

Mas safe ang kotse ko sa parking lot ng kompanya kaysa iwan ko ’to sa airport,” pinilit kong maging matabang ang pagkakasabi.

Ah –” tumango na lang siya saka tumingin sa labas. At dahil siya na lang talaga ang kulang kanina, agad namang umandar ang bus.

15 minutes lang ang biyahe at mabilis naming narating ang airport. Nagsitayuan na ang lahat pero nakaupo pa rin ako.

Uhm – Sir?” tawag pansin niya sa akin, ”H-hindi ka pa ba tatayo?”

Mamaya na,” prente akong umupo, ”ayokong makipagsiksikan.”

Hinintay kong makalabas ang lahat saka ako tumayo para kunin ang gamit namin.

Sir, ako na,” sinubukan niyang agawin ang gamit niya.

Nahawakan ko na kaya huwag nang makulit,” agad ko siyang tinalikuran.

Akala ko hindi siya lalayo sa akin dahil nasa akin ang gamit niya pero ang lang’ya, kumumpol siya kaagad sa mga kaibigan niya, Rea at Ryan ata ang mga ’yun. Putcha! Ginawa ba naman akong alalay.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon