Chapter 13 - Spying on Her

644K 11K 1.7K
                                    

*Stuart’s POV*

Inis akong napaupo sa swivel chair nang marinig ko ang report ng imbestigador na kausap ko kagabi, “Kaz Legaspi po ang pangalan ng nagbook kay Patricia Sandoval ng isang buwan.”

Sh*t!” hindi ko mapigilang ilabas ang galit, ”Kailan lang nagsimula?”

Kagabi ang una at mangyayari ito gabi-gabi maliban lang sa weekends. Sa Grand Beatrice Hotel sila nakareserve ng isang honeymoon suite para sa buong buwan,” sagot ng imbestigador.

Hindi na ako nakapagsalita sa mga narinig ko. Kaz is making a move and he was fast. Para akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa isang private show. Bakit private show ang tawag doon at bakit sa isang honeymoon suite pa ito gaganapin?

Sir, gusto niyong malaman kung ano ang nangyayari sa isang private show di ba?” tanong ng imbestigador na nagpaangat ng ulo ko.

Masyado kasing malaki ang suite na inarkila nila kaya mahihirapan tayo kung lalagyan natin ng spy cam. Pero pwedi nating lagyan ng voice recorder para marinig mo kung ano ang nangyayari sa loob,” suhestiyon niya.

Magagawa mo ba yan ngayong gabi?”

Madali lang yun, sir. May mga connection tayo sa hotel. Mas mainam din kung arkilahin mo ang katabing silid dahil puwedi nating i-bluetooth sa laptop mo ang voice recorder para agad mong maririnig ang mga tinig nila,” dagdag suhestiyon niya.

I’ll call my secretary for that. Hintayin mo na lang details sa secretary ko,” sagot ko at agad kong tinawagan ang secretary ko.

Kilala ko si Kaz at alam ko kung paano siya maglaro kaya mas kinakabahan ako para kay Patricia. Kailangan ko nang kumilos even if it means that I have to undo whatever Kaz does by doing it myself and making it more memorable for her.

Mahal mo siya kaya bawiin mo,” napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang sinabi ng imbestigador bago lumabas ng opisina ko.

Mahal? Mahal ko nga ba ang ex-wife ko? Hindi ko alam at hindi ko rin masasabi. Ayokong magpadalos-dalos dahil inakala ko rin noon na matutunan ko siyang mahalin pero napatunayan kong hindi ko yun nagawa nang makita ko si Sandra. Baka tulad pa rin ng dati, I was just physically attracted to her.

Mabilis na dumating ang gabi at nagawa ko nang maipareserve ang isang honeymoon suite na katabi ng inarkilang honeymoon suite ni Kaz. Naka-on na rin ang laptop ko dahil dito raw naka Bluetooth ang isang pen voice recorder na nilagay ng imbestigador sa loob ng silid nina Kaz.

Napag-alaman ko ring alas otso ng gabi darating si Patricia pero alas siyete pa lang ay pumasok na si Kaz sa suite.

Tsk! Hindi ko alam na may tinatago palang kamanyakan itong kaibigan ko. Ang aga pa namang dumating, nagmumukha tuloy siyang excited.

’Sino ba naman ang hindi ma-eexcited sa bango at ambiance ng suite na ’to?’ natatawa kong naisip. Maliban kasi sa mejo dim ang lights, meron kasing mga scented candles na nakapalibot. Sinubukan kong sindihan ang isa na may label na, ’Pure Seduction’ saka pumwesto sa harap ng laptop.

Ilang minuto akong nakaupo sa couch nang marinig ko na ang pagpasok ni Patricia sa suite.

Ang tagal mo, naiinip na ako,” narinig kong reklamo ni Kaz, ”isuot mo ’to.”

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon