Chapter 17 - The Game They Played

635K 10.3K 929
                                    

*Patricia’s POV*

That bastard! He kissed me then just turned his back and left me astounded.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-recover sa ginawa niya kaninang tanghali.  What was that for? Naiinis ako hindi dahil pa-fall siya kundi dahil na-fall ako. Bakit ba ang dali-dali kong mauto sa mga pinaggagawa niya?

Alam kong nasa paligid lang siya at siguro nagsasaya kasama ang mga asungot sa labas. Siguro pinagtatawanan niya ang reaksiyon ko kanina. Paano naman kasi, basta lang ako nagpaanod sa halik niya. Sana tinulak ko na lang siya o di kaya sinampal.

’Stuart!’ sigaw ko sa isip ko, ’lubayan mo na ako, please? I am trying to move on.’

Nakadapa ako sa kama nang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito pero walang tao maliban lang sa isang bouquet of roses na nakalapag sa tapat ng pintuan namin. Kinuha ko ito at agad ko namang nakita ang isang note na kaparehas sa note na nakuha kanina sa eroplano. Ang pagkakaiba lang nito ay ’E’ ang nakasulat sa watermark tapos number 5 naman ang nakaprint is ibabaw.

Ang mensahe: ”Just want to occupy your thoughts today.”

Ayokong mag-assume kung kanino galing ang bulaklak na’to pero hindi ako magsisinungaling na umasa akong sana kay Stuart ito nanggaling. Alam kong impossible dahil sa note na kasama nito pero ganun pa man, masaya na rin ako. First time ko kasing makatanggap ng bulaklak galing sa isang tagahanga. Kung sino man siya, sana makilala ko na siya. Kung siya ang makakatulong sa akin para makalimutan ko si Stuart, then I am ready to give him a chance.

Nagkibit balikat na lang ako saka pumasok sa cottage pero natawag ang pansin ko dahil sa hiyawan ng mga katrabaho ko sa dalampasigan. Nakita ako kaagad ni Rea kaya sinigaw nito ang aking pangalan. Bigla namang naghuramentado ang puso ko nang makita ko si Stuart na lumingon sa gawi ko. Hmp! Flirt talaga.  Matapos niya akong halikan kanina, nakipaglaro naman siya ng beach volleyball.  Nilalandi niya talaga ang mga katrabaho ko. Akala mo kung sinong nagsasabing , ”I don’t want my employees to slack and flirt,” pero siya naman pala ’tong flirt.

Napansin kong ngumisi siya sa akin – wait, did he just flashed me his killer smile? Hay naku, patay na ako. Tinamaan kasi ako ng killer smile niya.  I thought that was the worst but the worst has yet to come.  Parang nagpaalam siya sa mga kasama niya kaya agad siyang pinalitan ni Ryan. Umasa ako na tutungo siya sa kinaroroonan ko pero nagkamali ako. Patungong dagat siya pumunta pero huminto siya basang parte ng dalampasigan at yumuko. Napansin kong may ginuhit siya sa lupa at dahil sa pagkamausisa ko, binasa ko ang sulat niya : ”Hi sexy

Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa mukha. Was that message for me? Ayokong mag-assume but why did he just look at me after writing the phrase then went into the water? Wala sa sarili kong pinasok ang bulaklak, tinago ang note saka humakbang patungong dalampasigan. I know he is playing a game on me at dahil wala na akong magagawa doon, I might as well enjoy the game myself.

Umupo ako tabi ni Rea habang nakaharap sa karagatan. Sandali akong nanood sa laro hanggang mahagip ng mga mata ko ang isang malabathalang nilalang na umahon galing sa tubig. OhemGee! Napako kaagad ang paningin ko sa matitigas nitong dibdib at sa kanyang six-pack abs na parang linilok lang ng isang magaling na sculptor. Nagtutubig ang bibig ko habang nakikita ko ang tubig na tumulo sa matipuno niyang katawan. Ayan nanaman ang killer smile niya at ang makalaglag panty na titig niya – he was intently looking at me.

Stuart,’ bulong ko, ’You are such a tease.’

OMG! Girl,” narinig ko ang parang nakikiliting tinig ni Rachel, ”parating siya sa gawi natin.”

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon