Chapter 3 - The New Boss

674K 11K 485
                                    

Patricia's POV

Nararamdaman ko ang tension na nagaganap sa bakeshop dahil sa usap-usapan na darating daw ang bagong may-ari nito. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin para sa aming lahat kung bakit ibinenta ng may-ari ang rights ng lahat ng branches ng bakeshop.  Nagtataka lang kasi kami dahil maganda naman ang takbo ng negosyo, isa pa nga itong kilalang cake and pastry chain sa buong Luzon.  Naibenta daw ito sa isang matandang negosyante pero dahil matanda na, ang anak nito ang darating upang siyasatin ang kalagayan ng bawat branch nito.

"Get yourselves ready pero huwag kayong paapekto sa presensya niya. Ipakita natin na we can work under pressure," paalala naman ng manager namin.

"Narinig ko na gwapo daw ang bagong boss," bumulong sa akin si Rea, "At hindi lang 'yan, he is still available."

"Ayusin mo yang asal mo, Rea ha," narinig ko naman ang pinsan niyang si Ryan, "kabata-bata mo pa, lumalandi ka na!"

Napangiwi naman si Rea habang nerolyo ko na lang ang mata ko saka bumalik sa paggawa ng sansrival. Ako kasi ang naka-assign sa mga refrigerator cakes dito at dahil marami kaming costumers, kailangan kong gumawa ng maraming refrigerator cakes.  Dito kasi galing ang lahat ng cakes at pastries na dinideliver sa ibang branches.

"Hoy Ate Pat, hindi ka ba mag-aayos?" napansin kong naka-lipstick na pala si Rea. Napansin ko ring naging abala na ang mga kasamahan kong babae sa pag-aayos sa kani-kanilang mga sarili. Akala ko ba dapat ipakitang efficient kami kahit under pressure, kasama ba sa pagiging efficient ang pagpapaganda? Nagkibit na lang ako ng balikat. Karamihan kasi sa naka-assign dito sa kitchen ay single ladies at dahil ten hours a day, five days a week ang trabaho dito, karamihan ay hindi nagkakaroon ng love life.

"Masyado ka pa rin bang bitter kaya hindi ka nakikisali sa pag-aayos nila?" tanong sa akin ni Ryan. Si Ryan talaga ang confidant ko at kahit hindi ko sabihin, alam niya kung may bumabagabag sa akin.

"Ryan, bumalik na siya," bulong ko sa kanya.  Alam niya ang tungkol kay Stuart pero itinago ko ang detalyeng nagpakasal kami at nagkahiwalay.  I can never say I was married to him.  Ni minsan, hindi siya proud na naging asawa niya ako.  Kahit kalian hindi niya ako naipakilalang asawa. Tanging mga magulang namin at mga kaibigan lang ang nakakaalam na ikinasal kami.

Wala naman din akong rason para sabihin kay Ryan ang tungkol doon. Para saan pa? Nagkahiwalay naman kami at alam kong kahit kalian, hindi niya aaminin sa ibang tao na minsan niya akong naging asawa.

"Anong plano mo?" tanong niya.

"Iiwasan ko na lang siguro siya," wala sa sarili kong sagot.

"Kung ano man ang plano mo, always remember, Rea and I will always be here for you," tinapik niya ang balikat ko saka siya bumalik sa paggawa ng cookies.

Si Ryan ang una kong naging kaibigan nang pumasok ako dito.  Isang taon lang ang tanda ko sa kanya kaya hindi na niya ako tinatawag na ate.  Si Rea naman ang lagi kong kakuwentuhan, pareho kasi kaming mahilig sa TV series na Grey's Anatomy. Wala kasi akong kapatid kaya noong nakilala ko sila, para na rin akong nagka-instant brother and little sister.

"Dumating na daw ang Big Boss.  Nasa dining area na siya ngayon baka kitchen na ang isusunod niya," narinig kong sabi ng kasamahan ko kaya agad na naging seryoso sa kanya-kanyang ginagawa ang mga tao sa kitchen.

"Eto po yung kitchen natin," narinig ko na pumasok na ang manager kasama ang panauhin namin, "dito rin po nanggaling ang lahat ng cakes at pastries na  naka-display sa ibang branches."

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon