What Happened Then (Flashback) 9 - Best Mistake

527K 8.1K 847
                                    

                "'Cause you're the best mistake I've ever made"  - Ariana Grande, "Best Mistake"


*Stuart's POV*

Nakabusangot ako habang kaharap ko ang ama ni Patricia. Ayoko sanang gawin ito ngunit limang buwan na ang nagdaan at hindi pa rin pinirmahan ni Patricia ang divorce papers. I have to make drastic measures or else wala akong mapapala.

"Are you bribing me, Stuart?" galit na tanong niya.

"I don't need to bribe you, Mr.Sandoval," ngumiti ako sa kanya, "I know that you need money dahil pabagsak na ang kumpanya mo."

"Mahal ka ng anak ko. Bakit mo ito ginagawa sa kanya?" nagtitimpi niyang tanong.

"Like I told you, hindi ko siya mahal. Nagpakasal lang kami dahil yun ang ginusto ninyo ng ama ko; but Patricia and I had an agreement. She promised to let me go kung hindi ko siya matutunang mahalin sa loob ng isang taon."

"I cannot do this to my daughter," bulong niya sa sarili niya pero narinig ko.

"Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa," tumayo ako at tumalikod sa kanya, "sampung milyon para sa pirma ni Patricia. Take it or you will lose your company. Isipin mo na lang ang paghihirap na mararanasan niyo. Para rin naman ito kay Patricia. If she signs the divorce papers, she won't be trapped in this loveless marriage and at the same time, she will still inherit your company"

Hindi siya sumagot pero alam kong nakumbinsi ko na siya nang lumabas siya ng opisina ko.  Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng problema ang kumpanya ng pamilya ni Patricia pero masaya na rin ako na kahit sa ganitong paraan ay nakakatulong ako sa kanila. Siguro naman makayanan ng ama niyang ibangon ang sariling kumpanya sa pamamagitan ng sampung milyon na ibibigay ko sa kanya.


*Patricia's POV*

Napapikit ako nang marinig ko kay daddy kung ano ang nais niyang gawin ko.

"No!" pagtanggi ko sa kanya.

"Patricia, we need this. Anak, intindihin mo naman ako," pagsusumamo ni dad.

"I can't believe you were asking me to divorce my husband, dad. Ikaw ang may gusto na magpakasal ako sa kanya bakit kinukumbinsi mo ako ngayon na hiwalayan ko siya. Ano to? Joke?" galit akong nagpabalik-balik sa paglakad, "Will you please tell me why you are doing this?"

Napayuko si daddy, "You're mom is sick and our company is facing a big financial challenge."

"What?" tama ba ang narinig ko?

"You heard it right, hija. May stage 4 lung cancer ang mommy mo at ubos na ang savings natin sa bangko dahil ginamit ko 'yun para sa pagpapagamot niya," malungkot niyang balita sa atin.

"We have billions, dad. Paano naubos ang pera natin nang ganoon na lang kadali?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"It is my fault," napahagulhol siya, "Hindi kasi ako nag-isip ng tama!"

Hindi ako makapaniwala na umiiyak ang ama ko pero tahimik lang akong naghintay ng paliwanag. Impossibleng basta-basta na lang mauubos ang pera namin.

"Nagka-problema tayo sa BIR at milyong milyon na ang ibinayad ko para ma-clear ang tax evation na kasong isinampa sa atin pero sumabay pa ang pagkasakit ng mommy mo," malunos niyang paliwanag.

Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang mga daliri dahil sa frustration. Ano bang klaseng anak ako? Naghihirap na pala ang mga magulang ko; pero ako? Walang kwentang buhay pag-ibig lang ang inatupag ko!

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon