Chapter 41: Uncle

9.7K 266 24
                                    

A/N: Medyo bawas bawas muna ng Zacathan Moment. Nag coconstruct na kasi ako ng twist hahaha!

Nga pala. Baka po may mabasa kayong maling mga detalye, pakicomment naman para ma iedit ko specially sa mga business term ko. Wala po kasi talaga akong alam sa business, nagmamagaling lang talaga ako XD kaya ayun, paki comment na lang kung may mali. Yun lang ^____^

O sya, basa na. I hope mag enjoy kayo sa Update! ^___^

NATHAN POV

"Uncle" nasabi ko na lang

Ngumiti siya sakin at tumayo.

"Tan tan" sabi niya naman

Natawa ako sa tinawag niya sakin at hindi ko na napigilan ang sarili ko at yumakap na ako sa kanya.


Siya si Uncle Richard P. Vergara o kilala din bilang Mr. Gutierez. Kuya siya ni Papa. Dalawa silang magkapatid. Bata pa lang ako, super close na ako sa kanya. Ako ang pinaka close niya sa aming tatlo na magkakapatid. Bwisitan at pikunan pag kami ay nag usap. Barkada ang tingin namin sa isat isa.


Single etong si Uncle. Wala na atang balak mag asawa kaya naman parang tinuring niya na akong anak lalong lalo na nung pumanaw si Papa.


Siya ang naging sandalan namin at higit sa lahat, tumulong siya sa pang financial na pangangailangan namin. Siya ang nagpaaral sa amin ni Kuya sa Kolehiyo. Tinulungan niya si Mama sa pagtataguyod samin. Kaya naman naturingan nanaming second dad si Uncle.


16 years old ako nung umalis si Uncle at pumuntang Amerika para sa Business niya. Doon niya kasi yun ipagpapatuloy dahil naandun nakatayo ang pinaka main building ng company niya kaya naman nalungkot ako pero wala naman akong magagawa. Patuloy pa din kaming sinoportahan ni Uncle hanggang sa gumraduate si Kuya Adam at nagkatrabaho. Simula nun pinahinto na ni Mama si Uncle sa pagbibigay ng pera at si kuya na ang nag taguyod ng Pamilya.


Hanggang sa eto na nga. Bumalik si Uncle matapos ang halos pitong taon na nakalipas.


"Namiss kita uncle" nasabi ko na lang tapos yinakap niya din ako ng mahigpit

"Ang laki mo na ah" sabi niya nung bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya "Huli kitang nakita, ang liit liit mo pa kahit college student ka na pero ngayon, tumangkad ka na. Unbelievable. Totoo pala talaga ang miracle" natatawa niyang sabi

"Adik ka talaga uncle. Hindi ka pa din nagbabago" sabi ko sa kanya

"Hinde. Nagbibiro lang naman ako" natatawa pa din niyang sabi sabay gulo ng buhok ko. Paporito niya yan gawin sakin. "Pero seriously, ang laki nung nagbago sayo Tan tan. Hmmm.. pumogi ka ba?" hindi pa sure niyang sabi

"Uncle, pogi naman na talaga ako bata pa lang ako. Baka ang ibig niyong sabihin ay mas lalo akong pumogi" natatawa kong sabi sa kanya

"Joker ka pa rin pala talaga hanggang ngayon" tapos tumawa siya

Napasimangot ako sa sinabi niya

"Totoo kaya ang sinabi ko!" pagmamaktol ko

Natawa lang ulit siya at yinakap niya ulit ako ng mahigpit

"Namiss ko ang pikuning si Tan tan"

"Namiss ko din ang bwisit kong Uncle"

Ganyan talaga kami mag usap ni Uncle. Masanay na kayo. Hahaha

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon