Chapter 23: Day 4 (Juice)

9.5K 275 19
                                    

NATHAN POV 

Nagising ako nung maramdaman kong may humahawi nung buhok ko..

Una ko kaagad nakita si Zach na ngayon ay nakatingin sa akin.. Naandito kami ngayon sa kwarto nung tinutuluyan namin..

"Nate! Salamat naman at nagising ka na!" sabi nito sabay yakap sa akin

Nagulat naman ako sa ginawa nito.. Ano ba nangyari sa akin? Di ko matandaan!.. sinubukan kong aalahanin ang mga nangyari at ayun sumakit bigla ang ulo ko pero naalala ko naman.. Yung sa Zipline! Nakaramdam ako nung pagkahilo at bigla na lang ako nawalan ng malay..

Hayy.. kasi naman! Dapat di niya ako pinilit sumakay dun!

Bumitaw ng yakap sa akin si Zach

"Ok ka lang ba? May masakit pa ba sayo? Tell me.. May kailangan ka ba? Nagugutom ka ba?" Tuloy tuloy na tanong nito..

Ok naman na ako.. pero bakit naman ganito ang act ni Zach..?

"Shit dapat pala nakinig ako sayo.. dapat pala hindi na tayo sumakay sa zipline" sabi nito na may halong pag sisisi..

"So tell me.. ano kailangan mo.. lahat gagawin ko.. umayos lang pakiramdam mo" dagdag pa nito

Nakatingin lang ako sa kanya.. di ko alam kung matatawa ba ako sa ginagawa nito.. Kasi.. basta! Natutuwa lang ako sa way ng pag act niya nag aalala siya sa akin..

Hmmmmm.. lahat gagawin? hehe! I have a bright Idea! >:D

Its time to show my skills in acting!

"Awww! ang sakit ng ulo ko! Shit" sabi ko habang nakahawak pa ako sa ulo ko at ngumingiwi pa..

Bigla namang nataranta itong si Zach.. gusto ko sanang matawa pero hindi pwede.. malalaman niyang umaacting lang ako!

"Nate! Anong nangyari! Bakit.. shit.. kailangan na kitang dalhin sa hospital!" tarantang sabi nito pero tatayo pa lang ito ng hawakan ko kamay nito..

"N-no.. I just want water" sabi ko na parang naghihina..

"O cge.. hintayin mo ako dito" sabi nito sabay karipas ng takbo sa labas ng kuwarto..

Doon ko na nailabas lahat ng tawa ko.. grabe ang epic lang nung itsura niya pag natataranta! haha! Im starting to like this game!

Tumigil na ako sa pag tawa nung marinig ko ang mga yapak pabalik ni Zach sa kwarto.. humiga ulit ako at nagumpisang umacting..

"O Nate.. eto na yung tubig mo" sabi nito sabay abot sa akin nung tubig

Nung inabot ko yung tubig.. nakita ko na may ice cube kaya naka isip ulit ako ng kagaguhan..

"A-ayaw ko ng yelo... ni-nilalamig ako" pag iinarte ko xD

"Ha? Ah.. o cge.." tapos kinuha niya ulit sa akin yung baso ko at kumaripas ng takbo sa labas..

And again tumawa nanaman ako sa inaasal nito! haha! Sorry lakas lang ng trip ko! Saka feeling ko ang sarap niya pag tripan! At saka revenge ko na din to sa kanya.. hindi naman kasi ako mahihilo ng ganun kung di niya ako pinilit sumakay ng zipline at saka siya na msimo may sabi na gagawin niya ang lahat para sa akin! Bwahaha

Hindi nagtagal dumating ulit si Zach dala ang tubig na wala ng ice cube.. ininom ko na yun at inabot sa kanya ang baso..

"Meron ka pa bang kailangan ha?" alalang tanong nito..

"S-snack"

"Snack?" takang tanong nito

"Yes.. I want something na pwedeng makain" sabi ko naman na parang naghihina

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora