Chapter 19: Vacation!?

10.5K 305 25
                                    

A/N: Republish lang since hindi ko mabago ang visibility ng original na chapter. Nakaprivate kasi eh >___<V


NATHAN POV

Ipinasok nila ako sa loob ng Van..

F*ck.. Ano ang nangyayari!?  

Bakit nila ako...

Kinikidnap!? O.O

Ipinuwesto nila ako dun sa may gitnang part nung kotse.. at pinagitnaan ako nung dalawang lalaki na hangang ngayon hawak pa rin ako sa magkabila kong braso samantalang ang isa naman na lalaki, ang nag drive..

Hindi ako makapagsalita dahil natatakot ako! Shit! Ayoko pa mamamatay!

Umandar yung kotse.. at tahimik lang yung byahe.. di pa din ako makapag salita dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon!

Saan naman kaya nila ako dadalhin! Shit! Kung purpose nila dito ay dahil sa pera eh pwes wala kaming ganun! Shit! Kailangan makatakas ako dito!

Nag dadrive yung lalaki nung may tumawag dito..

"Hello po, Boss!" sabi nito

F*ck! Sino naman kaya master mind nito!

"Opo, nakuha na po namin siya" sabi pa nito

"Sige po, masusunod po Boss"

"Sige po"

"Sige, ihahatid namin po siya diyan" huling sabi nito bago nito bitawan ang phone nito

Saan naman kaya nila ako dadalhin! At dahil sa di ko na mapigilan ay nagsalita na ako..

"Hoy! Saan niyo ba ako talaga dadalhin ha! Para sa kaalaman niyo.. Wala kayong makukuha sa akin!" galit na sabi ko sa kanila

"Alam namin" sabi naman nung nasa gilid ko

"Eh alam niyo naman pala eh! So ano ang kailangan niyo sa akin!?" galit kong sabi sa kanila

"Hindi kami ang may kailangan sa iyo.. si Boss" sabi nito

Boss? sino naman kaya yun!

"Sinong boss naman yan!" tanong ko..

"Malalaman mo rin yan mamaya.. and dont worry di ka naman niya sasaktan" sabi nung nasa isang gilid ko..

Tsss.. Kung sino man yun! napaka sama niya! kailangan niya pa talaga ako ganituhin! Ipakidnap!? Tss

Tumahimik na lang ako.. wala naman akong magagawa kung magpupumiglas pa ako eh! Baka kung ano pa gawin nila sa akin!

Hinintay ko na lang makapunta doon sa lugar na pupuntahan namin.. kahit may halong kaba at takot pa rin akong nararamdaman!

Nagulat ako nung dinala nila ako doon sa airport..

Huh!? Ano naman gagawin namin dito sa airport!

"Bakit naandito tayo sa airport!?" takang tanong ko

"Eh dito ka pinadala sa amin ni Boss eh!" sabi nung nag dadrive habang hinihinto niya yung sasakyan, malapit dun sa may entrance dun sa airport..

"O.. baba kana.. hinihintay ka na ni Boss" sabi nung nasa kanan ko.. sabay bukas ng pintuan.. dahan dahan naman akong bumaba.. PAKSHET! Wala kasi akong naiintindihan sa nangyayari ngayon! Ang we-weird nung mga kidnappers ko! At saka sino ba yung hinayupak na boss na yan! Tss..

Bago nila pinaandar yun van ay may sinabi pa sila..

"Enjoy kayo ni Boss!" sabi nila sabay paharurot nung van.. Napakunot naman ang noo ko..Tsss.. parang yan din narinig ko kay Mama ah!.. bakit ba parang ang weird nung mga tao sa paligid ko!?

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon