Chapter 37: Fiance

11.2K 323 15
                                    

NATHAN POV

"Kamusta ka naman dito Nathan?" Tanong sakin ni Blaine habang punong puno ang bunganga nito ng kinakain niya

"Ahmmm.. Ok naman" sagot ko naman

Tumango lang eto at ibinalik na niya ang atensyon sa kinakain niya

By the way,

Naandito kami ngayong apat sa dining area. And right now, ramdam na ramdam ko ang tensyon na bumabalot sa aming lahat!

Alam niyo yung feeling na kailangan maging maingat ka sa bawat kilos at galaw mo? kasi konting pagkakamali mo lang, magkakaron ng gulo! Yan ang nararamdaman ko ngayon lalong lalo pa na naandito si Zach na feeling ko di welcome sila Blaine at Kevin dito sa mansion niya.

So far, wala pa namang masamang nangyayari bukod sa nangyayari ngayon sa buhay ko at sa nangyari kanina. Oh shit! Naaalala ko tuloy ang nangyari samin kanina ni Zach! Hay. Paano ko ba makakalimutan yun?

By the way ulit, ganito ang set up ng inuupuan at katabi namin

Katabi ko si Zach at sa kabilang side ng table, magkatabi sila Blaine at Kevin. Kaharap ko si Blaine, si Kevin naman ang kay Zach. O diba? Katabi ko pa ang fiancé kong humalay saken kanina dahil daw sa nagseselos siya na ewan ko naman kung bakit.

Kanina pa to bumagabag sa isipan ko eh! Hanggang sa pagbaba ko papunta dito, eto ang iniisip ko, yung about samin ni Zach.

Eh kasi naman nag seselos siya, so ibig sabihin mahal niya pa ako? Hindi lang naman eto ang basehan ko. Yung mga nakalipas na araw, he shows some care to me, and one time, he kiss me! O diba sino bang hindi magugulo ang utak kung yung taong mahal mo na may karelasyon ng iba ay ganyan ang pinapakita sa ex niya.

Pero in the same time, kahit ganyan ang iniisip ko, hindi pa din ako nag aasume or what I mean is hindi ako aasa na mahal niya talaga ako. Gusto ko siya mismo ang magsabi ng nararamdaman niya para saken at yan ang magiging bago kong mission. Ayoko naman kasi umasa eh, baka mamaya umasa ako na mahal niya ako yun pala ginagawa niya lang yun dahil kahit paano naging kaibigan niya ko. O diba ang saklap? Umasa na nga ko, na friendzone pa ko. Tss. Wag naman sana mangyari yun.

"UY! NATHAN!"

"Ay na friendzone!"

"Hah?"

Nagising ang diwa ko nun sa pag iisip nung tawagin ako ni Blaine. Yan tuloy nasabi ko ang na friendzone. >___<

"Ahhh wala! ano ba yun?" nasabi ko na lang

"Hala. Anyare sayo? Kanina pa kaya kita kinakausap"

tsk. Ayan tuloy! Hindi nako nakapag focus.

"Ahhhh.. Hehe.. May iniisip lang ako" nasabi ko na lang

"Ano naman ang iniisip mo?" Tanong pa nito. Si Blaine talaga oh! Ayan, ano sasabihin ko? Isip Nathan! Isip!

"Ahhh.. Ehhh.. Ahmm yung ano.. Yung" oww shit. Wala akong maisip!

"Ahhh baka iniisip lang ng Baby ko ang nangyari samin kanina" biglang sagot yan ni Zach at talagang napalaki ang mata ko nun!

T*ng ina talaga nitong ni Zach! Di niya ako tinutulungan eh! Lalo niyang pinapalalala ang problema ko eh!

"Ano ang ginawa niyo?" Nanlaki pa ang mata ni Blaine niyan at alam ko kung ano ang iniisip niya!

"Ahmm may nang-- awwwwwww! F*ck" di na natuloy nito ang sasabihin niya nung inapakan ko ang paa niya. Aba kahit may pilay ako, aapakan ko talaga siya! Lalo niya kong pinapahamak eh! Sorry Zach.

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن