Chapter 4: The Start

18K 464 3
                                    

NATHAN POV

Naandito kami ngayon sa sasakyan ni Zach.. at tinatahak namin ang daan papunta sa mansion niya..

Ako naman di ko mapigilang mapaiyak.. simula pa nung sumakay ako dito..

di ko kasi matanggap na natalo ako eh.. ang sakit sa pakiramdam.. Parang ang bilis ng mga pangyayari...

Naku papano ko ito ipapaliwanag kela Mama.. Gumawa ako ng desisyon na di man lang sa kanila ikinukonsulta..

Tsk. ang laki ng problema na pinasok ko...

Naisipan ko kunin ang cellphone ko at tatawagan ko sana sila mama.. baka ngayon kasi nag aalala na sila sa akin..

Pero nung dinadial ko pa lang yung number nila mama.. bigla itong hinablot ni Zach at itinapon sa labas which is ikinagulat ko

"Bakit mo ginawa yun!?" inis kong sabi dito

"No cellphone allowed inside my house" sabi nito

"No Cellphone!? Adik ka ba? Tatawagan ko yung Mama ko! Nag aalala na yun sa akin for sure" sabi ko naman.. Naiirita na ko sa lalaking to ah!

"Ako na ang bahala mag explain sa kanila ok?" sabi nito

"NO!" matigas kong sabi.. tapos akmang bubuksan ko na yung pinto ng kotse nya ng pigilan nya ako

"Sino ang Master dito?" sabi nito

Hindi naman ako nakasagot sa tanong nito...

"Ako diba? Kaya sumunod ka sa akin,simula ngayon, lahat ng sasabihin ko susundin mo" sabi naman nito..

Hindi na lang ako nagsalita.. wala naman akong magagawa eh.. Dumungaw na lang ako sa bintana.. at umiyak na lang ulit... Ano ba tong katangahan ang ginawa ko..

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu