Chapter 45: Blood

12K 324 79
                                    

A/N: Alam kong wala akong kagalingan sa pagsusulat ng drama dahil wala naman sa forte ko yun. Hahaha. So pagtiyagaan niyo na lang ang chapter na 'to. Hihi. Thank you :-*

And again, please correct my epic grammar XD

ZACH POV

"Nathan!!!"

Parang gumuho ang mundo ko habang nakikita ko sa harapan ko kung paano nabundol ng sasakyan si Nathan

Tumalsik siya at gumulong gulong sa kalsada.

Agad akong napatayo at nanikip ang dibdib ko nung makakita ako ng dugo na nagmumula sa kanya.

"Nathan!" sigaw ko

Umagos na ang luha sa mga mata ko.

Wala na siyang malay at puro dugo ang mukha niya.

Agad ko siyang nilapitan at patuloy na umagos ang luha sa mukha ko

"Nathan. Nathan. Nathan! Gumising ka!"

Tintapik tapik ko siya.

"Nathaaan!!!" Napasigaw na ko

Yinakap ko ang walang malay niyang katawan

"Nathan, gumising ka!"

Hindi siya gumigising. Lalong nanikip ang dibdib ko sa nangyayari.

Hindi 'to maaari! Hindi siya pwedeng mamatay!

Nagpalinga linga ako sa paligid. Wala na yung sasakyang nakabundol sa kanya. F*ck it.

"TULONG!!!" sigaw ko tapos hinarap ko siya "Nathan, wag kang bibitiw. Dadalhin kita sa hospital" lalong umagos ang mga luha sa mata ko ng puro dugo na ang nakikita ko sa mukha niya. Lumingon lingon ako sa paligid. "Tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ko.

Napapalibutan na kami ng mga tao.

Nanginginig ang buo kong katawan sa nangyayari.

Hindi ko kayang mawala si Nathan sakin. Hindi!

"Nathan... gumising ka... wag kang bumitiw... please..." napaiyak na talaga ako. Wala na talaga siyang malay at patuloy ang pagdurugo ng ulo niya. "Nathan..."

Yinakap ko siya ng mahigpit "Nathan... please... wag mo kong iwan..."

Maya maya lang may dumadating na ambulansiya.

Agad na inihiga si Nathan sa stretcher at isinakay sa sasakyan. Sumama ako at patuloy pa ding umaagos ang mga luha sa mata ko.

"Nathan..." hinawakan ko ang kamay niya "W-wag mo kong iwan"

Nilagyan siya ng oxygen mask at mga first aid treatment para sa mga sugat niya at para mapigilan ang pagdurugo niya.

Napatulala na lang ako sa nangyayari habang hawak hawak ko pa din ang kamay niya.

Hindi ako makapaniwala na mangyayari 'to.

Shit!

Niligtas niya ang buhay naming dalawa ni Trish. Niligtas niya kami kapalit ng buhay niya.

F*ck it.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Sana maging okay si Nathan. Sana.

Dinala si Nathan sa pinaka malapit na hospital dito.

Agad siyang ibinaba at itinakbo sa emergency room.

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now