Chapter 22: Day 3 (Acrophobia)

8.9K 264 6
                                    

NATHAN POV 

Madaling araw na nun noong naglalakad na kami ni Zach pabalik sa hotel..

Simula nung kumanta siya doon sa may bar ay naging awkward ako sa kanya.. ewan ko ba.. basta nahihiya ako!

Ngayon tinatahak nanamin ang daanan pabalik sa hotel.. at talagang napakatahimik namin habang naglalakad pabalik..

(-.-)             (*.*)

Ayan kami magkalayo.. ako nakayuko lang, siya naman nakatingala.. hayy ang awkward talaga!

"Nathan?" basag ni Zach sa katahimikan

"Ba-bakit?" utal utal kong sabi habang nakayuko pa rin ako..

"Bakit ang tahimik mo?" tanong nito..

F*ck! Ano sasabihin ko! >.< Kasi naman eh! Bakit niya pa kasi kailangan mag speech doon sa may bar tapos kumanta pa siya.!

"Ah.. eh.. pagod na siguro ako" pagsisinungaling ko..

Tapos nabalot na kami ulit na katahimikan.. tapos.. suddenly nagsalita ulit siya

"Dahil ba yan sa nangyari kanina sa bar?" biglang tanong nito

"Ha?" bigla akong na pareact sa sinabi nito..

Shit! Naisip niya pa yun!? Now what? Ano na sasabihin ko?

"Ah.. Hindi no! Bakit naman ako magpapa apekto doon! Parang kanta lang eh! By the way salamat dun sa kanta mo ah!" sabi ko na lang sabay bilis ng paglalakad.. gusto ko ng iwasan yung topic na yun!

Nakarating kami ng hotel.. at pumasok ako kaagad ng kwarto.. tapos napansin ko din na pumasok si Zach.. Shit! Nakalimutan ko! Dito nga pala siya matutulog! >.< Malas ko nga naman!

"Ahh.. sa couch na lang pala ako matutulog.. nilalamig ako dito eh! Sige bye!" sabi ko sa kanya sabay alis pero hindi pa man ako nakakalabas ay nahawakan na niya ang braso ko at hinila niya ako palapit sa kanya.. at nagkatinginan kami

"Iniiwasan mo ba ako?" seryosong tanong nito..

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Tsk. Kaya ayoko tumitingin sa kanya eh! ngayon ano sasabihin ko?

"Ah..? Bakit n-naman kita iiwasan? Talagang n-nilalamig ako dito eh" pagsisinungaling ko

"No.. dito ka matutulog.. malamok kaya sa labas" sabi nito..

Napahinga na lang ako malalim.. talagang di ako mananalo sa isang ito..

"O sige na! dito na ako matutulog.. MASTER" sabi ko sa kanya tapos binitawan niya na ako sa braso

"Woah.. simula nung naging slave kita, di mo ako tinawag na master! ngayon lang!" sabi nito

Hindi ko na ito pinansin.. at dumiretso na lang ako sa CR para maghilamos.. tama naman siya eh.. di ko pa siya kelan man natawag na master.. ewan.. hindi ko lang feel..

Naandito ako ngayon sa cubicle.. at nung huli kong buhos sa mukha ko ay napatingin ako sa salamin..

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at kinausap ko ang sarili ko.

Nathan.. kaya mo ito.. may 4 nights pa kayo na magiging magkasama kaya kailangan mong kayanin yun.. mag pigil ka muna ng damdamin mo sa kanya.. wag mo munang ipaalam sa kanya na.. mahal mo na siya.. shit..

Oo na mahal na kita! pero.. di ko lang alam kung kaya ko nang pumasok sa mga ganoong relasyon! Hayyy.. Ang hirap naman talaga nito!

Naisipan ko na lumabas ng banyo nung natapos na ako mag hilamos at mag toothbrush.. pero napanganga ako nung nakita ko si Zach na naka boxer shorts lang! Shit.. kaya naman agad ako napasara ng pinto ulit sa banyo at napasandal..

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now