Holiday Special 2015

6.4K 198 62
                                    

A/N: Maihabol lang bago matapos ang 2015 HAHAHA XD

Namiss ko talaga sila Nathan at Zach. Namiss ko story nila <3

Sana magustuhan niyo to. Rush lang 'to HAHAHAHA!

NATHAN's POV

Tatlong taon na ang lumipas.

Marami na ang nagbago.

Sino nga bang mag aakala na mangyayari ang mga bagay na hindi ko inaasahang mangyayari?

Like me, being a gay or bisexual or something na kung ano pa ang tawag nila sa mga tulad ko na nagmahal ng same gender ko.

I didn't expect na eto ang mangyayari sakin.

Dati akala ko lang magiging normal na lalake lang ako na mag aasawa ng isang babae at magkakaron ng anak pero dahil sa inalok saken na trabaho noon, ayun, nagkita ulit kami at hindi ko alam kung sinadya ba yun o itinadhana talaga kase talagang galit ako sa kanya nung mga panahon na yun eh. Sa childhood bestfriend ko na yun at sa partner ko in crime but then, after that meet up nagumpisa ng magbago ang lahat hanggang sa ang naging ending ay minahal ko din siya.

At matapos ang napakaraming pangyayari at pagsubok na hinarap namin like break up at marami pang away, malalagpasan din naman pala namin yun at sa huli, kami din pala ang magkakatuluyan.

Yep. Hindi na ako si Nathan Vellaez Vergara because I am Nathan Vellaez Vergara-Ramirez, the husband of Zach Everson Ramirez.

Napabuntong hininga na lang ako habang inaalala ko ang mga pangyayari noon sa amin. Napayakap ako ng mahigpit sa jacket ko dahil sa lamig na nagmumula sa mga snow na bumabagsak mula sa itaas.

Biglang humangin kaya napakapit ako ng mahigpit lalo sa aking jacket.

Nanginginig na ko nun sa lamig ng biglang tumunog nanaman ang cellphone ko.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Zach calling...

Hindi ko yun pinansin at hinayaan na tumunog lang yun hangang sa tumigil. Doon ko lang nakita na may 43 missed call na ko mula sa kanya.

"Tss. Bahala siya diyan."

Nasabi ko na lang bago ko itinago ulit sa bulsa ko yung cellphone ko.

Napakapit naman ako ng mahigpit sa jacket ko at inayos ko ang bonnet na suot ko sa ulo ko.

Napasimangot na lang ako sa inis.

"Manigas na kung maninigas na ko sa park na 'to, pero hindi ako uuwi sa condo. Naiinis ako sa kanya." inis na bulong ko sa sarili ko

Yeah. War kami ngayon ni Zach.

Bakit?

Eh naiinis kasi ako sa kanya eh. Dinala niya ko dito sa America ng kaming dalawa lang para sa Business thing tapos akala ko makakauwi kami ng Pilipinas bago mag Christmas pero matatapos na ang taon, naandito pa din kami sa America.

Sinabi ko naman kasi sa kanya na after New Year na lang namin asikasuhin yun kasi baka hindi kami umabot ng pasko sa Pilipinas pero dahil gusto na niyang tapusin yun at sa mapilit siya, eto nangyari. Nagkaron ng mga delays due to unexpected situations sa mga business meeting kaya nag extend kami ng nag extend dito sa US hanggang sa naisod din ang pagbalik namin sa Pilipinas hanggang sa hindi na kami nakapag pasko dun.

Naiinis ako at in the same time nalulungkot kasi first time ko hindi mag Noche Buena na hindi kasama ang family ko. Nag expect pa naman sila na makakauwi kami ni Zach sa bisperas ng pasko pero eto nga nangyari. For sure nagtatampo ang mga yun sa amin lalong lalo na si Zayn at Natalie, ang dalawang anak namin.

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now