Chapter 1: My Family

34.6K 678 37
                                    

"Hello"

"Oh Hello. Napatawag ka?"

"Diba naghahanap ka ng work?"

"Oo bakit?"

"May irerecommend sana ako sayo na company. Partner siya ng company na pinagtatrabahuhan ko. Hiring sa kanila ng IT. Kailangan ng IT Staff."

"Ahh o sige, sabihin mo kung saan, puntahan ko na ngayon din. Tutal maaga pa naman"

"Sige text ko na lang sayo yung buong details. Mag walk in ka na lang sa kanila"

"Sige sige. Salamat Cyrus. Maasahan ka talaga"

"Sus. Wala yun. Basta ikaw. Ingat ka ah."

"Sige. Salamat ulit" At inend ko na ang Call. Agad naman akong nag prepare ng sarili ko. Natanggap ko naman ang complete details na tinext ni Cyrus about dun sa job offering.

Lumabas na ako ng kuwarto ko at bumaba.

"Ma alis na po ako" sabi ko kay mama, na ngayon ay nagluluto ng agahan

"Aalis ka na? Eh di ka pa nga nag aagahan'" sabi naman ni mama, na busy pa rin sa pagluluto

"Kakain na lang po ako sa labas, may importante lang akong pupuntahan" sabi ko naman

"Hay naku si Kuya, may date nanaman" sabi naman nung kapatid kong nakakabatang lalaki, siya si Mark. Ang dakilang pakielamero kong kapatid. Lagi kami niyang nag bubwisitan pero syempre ako laging panalo.

"Oy hindi. Maghahanap ako ng trabaho. Ikaw talaga! Ikaw nga eh may niligawan ka na sa school mo, hindi ka man lang nagsasabi" pang aasar ko naman, totoo naman kasi ang sinabi ko, pinakielamanan ko kasi cellphone niyan minsan, at tinignan ko yung inbox kaya yun, nalaman ko ang maitim niyang sikreto. Eh 14 years old pa lang to. Diba ang bata pa?

"Oy hindi ah!" Pagtanggi naman nito

"Mark! Totoo ba yung narinig ko?" sabi naman ni kuya na bumababa ng hagdan. Eto naman yung kuya ko na si Adam. Isa siyang dakilang babaero at proud siya dun. Marami siyang babae lagi. Ginawa na nga niya atang collection ang mga yun. Habulin talaga siya. Mas matanda ng isang taon sa akin si Kuya. 23 year old na sya at 22 years old na ako.

"Oy Hindi ah! Kuya naman wag kang magpapaniwala dito kay Kuya Nathan!" reklamo naman nito, talagang pinanindigan niya na ang pag dedeny.

NATHAN's POV

"Sige deny lang Mark nang lumaki lalo yang ilong mo!" pang aasar ko pa sa kanya. Inumpisahan nya ko eh, kaya ako din gaganti, at mas masama ako gumanti. Wahahaha!

"Kuya Nathan naman eh!" naiinis na sabi sa akin ni Mark. Nag success ako sa pang bubwisit sa kanya! Wohoo!

"Naku, tama na nga yan, kayo talagang mga bata kayo, lagi na lang nag pipikunan" sabi ni mama na noo'y papunta sa lamesa, para ihain yung niluto nyang agahan

"Si Kuya Nathan kasi eh. Nambubwisit!" Pagmamaktol ni Mark

"Ok lang yan Mark, wag mo nang pansinin yang kuya Nathan mo." Sabay upo ni Kuya Adam sa tabi ni Mark "At saka kung nanliligaw ka na talaga, dapat proud ka! Sabihin mo lang sa akin kung sino yan para mabigyan kita ng mga sikretong malulupit kong mga tips. Ako ang bahala sayo" dagdag pa ni Kuya Adam at sabay akbay dito

Ayan nanaman sya sa mga kalokohan nya. Magaling siya diyan eh basta't ganyanan

"Hoy! Adam tigil tigilan mo nga yang kapatid mo, mamaya nyan mag uwi yan dito sa bahay ng babae eh!" saway naman ni Mama

"Ayaw mo nun Ma, ibig sabihin lang nun, nagbibinata na 'tong bunso natin, manang mana siya sa kagwapuhang taglay ng Kuya niya. Diba Mark?" sabi ni Kuya Adam

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now