Chapter 25: Day 6 - Day 7 (Goodbye)

12.2K 264 8
                                    

NATHAN POV 

Nagising ako ng maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa akin..

Napadilat ako ng mata at napalingon ako sa gilid ko..

Wala siya.. yun kaagad ang pumasok sa isipan ko.. napatingin na lang ako sa kisame at sabay biglang bangon.. pero hindi ko alam na mali pala ang ginawa ko..

Bigla akong napangiwi sa sakit ng nararamdaman ko sa may bandang ass ko..

"Shit.. Ang sakit" napapangiwi kong sabi habang hinihimas himas ko ang likuran ko..

Akala ko nananaginip lang ako... Akala ko panaginip lang na sinagot ko na si Zach at mag boyfriend kami! Akala ko walang nangyari sa amin kagabi.. pero yun pala TOTOO ANG LAHAT NG IYON!

Napatingin ako sa may daliri ko as I remember.. meron siyang nilagay sa ring finger ko..

Napangiti ako sa nakita ko at napasabing

"Totoo nga.. Boyfriend ko na talaga si Zach" sabi ko sa aking sarili

Nakatitig lang ako sa aking singsing

Nang biglang pumasok si Zach, bitbit ang isang maliit na table na merong nakalagay na almusal..

Ngumiti siya sa akin

"Gising ka na pala, Good Morning" masayang bati nito habang lumalapit sa aming kama

Ngumiti lang din ako dito..

"Good Morning din" bati ko din dito..

Ipinatong niya yung dala niyang agahan sa may kama at sabay sabing

"Breakfast on bed.. alam ko kasing masakit pa yang ano mo dahil sa kagabi" sabi nito na ewan ko ba kung nag aasar itong lalaking ito..

Bigla naman akong nahiya sa sinabi nito.. Wahhh! Ang hirap pala ng ganito! Ikaw lang ang nag susuffer! T^T

"Sa-salamat" yun na lang ang nasabi ko dito bago ko kunin yung agahan ko pero bigla naman niya akong pinigilan na ikinatingin ko naman sa kanya.

"Wala ba diyang morning kiss?" hirit nito

"Eh? Wag na!" pagtanggi ko

"Then.. walang breakfast" pang aasar nito

Tsss..

"Fine" tipid kong sagot.. kung di lang talaga ako nagugutom eh!

Inusli nito ang nguso niya.. tila nag hahanda sa pag kiss ko sa kanya

Agad ko siyang binigyan nung halik na hinihiling niya.. isang mabilis na halik lang iyon

"O ayan.. happy?"

"More than happy.. Ang sarap naman nun!" masayang sabi nito "O eto na breakfast mo" dagdag pa nito.. agad ko na yung kinuha at agad ko din yung niLAMON... sorry gutom talaga ako ngayon.. eh diba nga di ako kumain kagabi.. tapos nagpagod pa kami nitong ni Zach kagabi.. so what do you expect..

Lamon lang ako ng lamon ng mapansin kong nakatitig lang sa akin si Zach tila ba pinapanood akong kumain..

"Ba-bakit? Gusto mo din bang kumain?" pag aalok ko dito

Ngumiti lang ito sa akin at umiling "No ok lang ako baby ko, makita lang kita busog na ako" hirit nito

So ano ibig sabihin niya dun? ><

"Ah ok.." tipid kong sagot.. tinuloy ko na ang pagLAMON ko.. hanggang sa humiga si Zach sa kama.. nakatingin sa kisame habang ako nakaupo habang kumakain..

Hindi ko na lang ito pinansin pero bigla siyang nag salita

"Parang ang bilis ng mga pangyayari ngayon no?" sabi nito

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن