Chapter 44: Truth

11.8K 303 44
                                    

NATHAN POV

Iniligtas ko ang buhay nila.


Kapalit ng...


*Beep Beep*


"NATHAN!!!"


"Nathan!"


"Nathan!"

 
"Oy! Nathan! Gumising ka! Ano ka ba!"


Napabangon ako bigla.


Hingal na hingal ako at pawis na pawis.


Damn. Nanaginip ba ko!?


"Oy, ano bang nangyayari sayong bata ka?"


Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Mama na may hawak na hanger at yung coat ko.


Nakahinga ako ng maluwag


"Wala Ma, nanaginip lang ng masama"


Shit. Napakasamang panaginip naman nun. I don't know pero mukhang totoo siya pero buti na lang talaga panaginip lang yun. Kakalimutan ko na lang 'to. Panaginip lang yun. Ugh.


Napahawak ako sa ulo ko.


Biglang sumakit eh.


Damn.


Ano ba nangyari kagabi? Hindi ko maalala! Ang sakit bigla ng ulo ko!


Napahiga ako at napapikit ng mata. Damn. It hurts!


"Ayan, iinom inom kasi, hindi mo naman pala kaya. Ayan may hangover ka tuloy" sabing ganyan ni mama sakin. Lalo tuloy sumasakit ulo ko.


"Salamat sa paninisi Mama ah. Napakalaking tulong" sarcastic kong sabi


"Aba sumasagot ka pa!?"


"Hehe joke lang siyempre"


"Heh. Ewan ko sayong bata ka. Sige magpahinga ka na muna diyan, ikukuha kita ng kape para mawala yang sakit ng ulo mo" sabi nito


"Thank you, Ma, the best ka talaga"


"Hindi ko kailangan ng pambobola mo, geh" sabi niya sabay labas ng kuwarto ko.


Ugh. Ang sakit talaga ng ulo ko! Damn! Parang binibiyak! Nakailang bote ba ng alak ako kagabi?


Nakailang bote o nakailang lagok?


Ah basta, kahit nakailang bote o lagok man, ang sakit ng ulo ko! Ang lakas nung epekto sakin! Parang gusto ko tuloy alisin muna yung ulo ko tapos ibalik na lang pag wala ng sakit.


Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi


Lalong sumakit ang ulo ko pero ginawa ko pa din.


Ano ba nangyari? Natatandaan ko na lang yung mismong event eh.


At saka...


~~~~~

Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Gusto ko ng magpahinga at matulog. Gusto kong makalaya muna pansamantala sa nararamdaman ko.


Naipatong ko muli ang ulo ko sa balikat niya. Talagang hindi ko na kaya. Patuloy na umagos ang luha sa mata ko.

"M-mahal na mahal kita Zach"

~~~~~

Napatapik ako sa ulo ko sa naalala ko.


Nagdrama nga pala ako kagabi.


And worse, kay Zach ko pa nagawa yun!


Tae. Nakakahiya. Umiyak ako sa harap niya. Ano pa kaya ang mga nasabi at nagawa ko nung gabing yun? Im sure nakakahiya talaga ako kagabi.

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now