Chapter 7: Paranoid

17K 443 10
                                    

ZACH POV 


Kakagaling ko lang sa bahay nila Nathan para ipaalam sa kanila na sa akin nakatira ito... halata sa mama ni Nathan ang pag aalala dito.. Sinabi ko na lang na sa akin nagta trabaho si Nathan bilang 24 hours assitant ko.. pumayag naman ito kasi kilala nila ako bilang best friend ni Nathan nung Elementary kami.. pero basta daw dumalaw daw ito sa kanila... Pumayag na lang ako dito.. ewan ko lang kung matutupad ko yun.. tapos nun nagpaalam na ako sa kanila.. 

By the way, ako nga pala si Zach Everson Ramirez, 22 years old. Master ang tawag sa aking sa bahay at Boss naman dito sa opisina.. Dalawa lang ang tao na tumatawag sa akin na Zach bukod sa parents ko.. Yun ay sina Henson-my bestfriend and Nathan-my love.. Describe myself? Him kilala nyo si Kim Bum? Kamukha ko yun pero mas patangakarin nyo pa siya.. 

Ngayon nasa work ako at nakaupo lang dito sa upuan ko habang pa relax relax lang at napapangiti ng wala sa oras.. Parang ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko.. 

Sino ba naman hindi mapapangiti.. kung ang taong mahal mo ay nasa pamamahay mo na? Kung ang taong pinapangarap mo lang nung Elementary at Highschool mo ay ngayon ay kasama mo na sa iisang bubong? Diba masaya? kaso nga lang hindi nya gusto ang manirahan dun kasi alam ko naman na ayaw nya ako makita o makasama kasi di naman niya ako mahal.. Napipilitan lang siya dahil sa Bet.. Pero masaya pa rin ako kasi ng dahil sa bet na yan.. nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama si Nathan.. at magkakaroon kami ng chace sa isat isa na matagal ko ng hinihiling dati pa si \mula nung maramdaman ko ito sa kanya.. 

Ngayong nasa bahay ko na siya, ipaparamdam ko ang pagmamahal ko sa kanya at sisiguraduhin kong matutunan nya rin ako mahalin... at hihintayin ko yung araw na iyon na dumating 

Bahagya akong napangiti nung maisip ko yun.. paano kaya mag mahal si Nathan? Sana balang araw matutunan nya akong mahalin.. dahil ako mahal na mahal ko sya at sigurado na ako dun.. at ipinapangako ko sa sarili ko na di ko siya papakawalan at mawalay pa sa akin.. pag mamay ari ko na siya.. Kaya nga ginawa ko sa kanya kagabi yung alam nyo na!.. Parang tanda ng ako ang nakauna sa kanya at ako at ako lang ang pwedeng gumawa nun sa kanya.. at syempre di ko na din napigilan ang sarili ko sa sobrang pagkasabik sa kanya.. 

Sa pag iisip na yun, di ko namalayan na may pumasok na pala ng opisina ko, ahh siya si Henson ang kaibigan ko nung college.. isa syang bisexual tulad ko at pareho kami ngayong successful sa buhay, nag mamay ari din siya ng isang company at business partnership kami.. 

"O, ikaw pala Henson, ano ginagawa mo dito?" sabi ko dito.. Nginitian lang ako ng nakakaloko habang lumalakad papalapit sa table ko.. 

"Ikaw ah! Simula kahapon, pangiti ngiti ka na ah! nagbabagong buhay ka na ah! Bakit sino ba yan?" Sabi nito at sabay upo sa upuan sa harapan nung table ko at may nilagay siya na mga files sa table ko.. 

Nginitian ko lang ito.. at sinabi ko sa kanya lahat lahat nung nangyayari sa akin ngayon.. Alam din kasi ni Henson ang nangyari sa buhay ko nung Elementary at Highschool days ko.. at alam nya din ang tungkol kay Nathan, kung gaano ako kaadik dito.. Siya lang ang tanging tao ang nakakaalam ng nangyari sa buhay ko eh kasi siya lang mapagkakatiwalaan ko.. 

"Talaga? Grabe ka naman Zach! talagang sinunggaban mo na agad? Iba ka talaga.. Dati nagtatangka ka lang magpakamatay dahil sa kanya tapos ngayon.. magkasama na kayo sa iisang bubong..So magbabagong buhay ka na?" sabi nito ng nakangiti pa sa akin.. 

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon