Chapter 30: Broken

7.3K 218 5
                                    

NATHAN POV 

Isinakay ako ni Cyrus sa kotse niya.. Buti na lang nakita ko si Cyrus kasi kung hindi.. hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon.. hindi ko alam kung saan ako pupunta..

Inistart na ni Cyrus ang kanyang kotse at nagumpisa ng mag maneho.. ako naman? Ayun patuloy pa din sa pag iyak. Ang sakit lang talaga kasi nitong nararamdaman ko.. masyadong naging mabilis ang pangyayari sa akin..

Lalo nanamang umagos ang mga luha ko nung maalala ko nanaman yung mga nakita ko kanina.. shit.. ang sakit nanaman.. parang hindi ko na to kakayanin..

Heart heart heart.. Ang tanga natin no? parehas tayong naloko..parehas tayong nagtiwala.. parehas tayong nagbigay.. parehas din tayong nagmahal kaya ayan.. parehas din tayong broken at parehas tayong nasasaktan..

Zach.. paano mo nagawa sakin to..Alam mo bang ang sakit nitong nararamdaman ko? Alam mo bang para mo na kong pinatay sa ginawa mo? Alam mo bang basag na basag na itong puso ko dahil sayo? Shit.. at tuluyan nanaman umagos ang mga luha sa mata ko..

"Here" narinig kong sabi ni Cyrus kaya napatingin ako sa kanya.. nakita ko ang kamay niya na may hawak na panyo.. at inaabot niya ito sa akin..

"Hi-hindi na kailangan" pag aalinlangan ko pa

"No.. I think kailangan mo to.. sige na tanggapin mo na" pagpipilit nito sa akin..

Wala na akong nagawa, inabot ko na yung panyo..

"Sa-salamat" nasabi ko na lang..

Hindi na siya kumibo pa at pinagpatuloy ang pag dadrive niya.. pero ramdam ko na lagi niya akong nililingon para tignan..

Hindi ko na lang ito pinansin..ginamit ko na si panyo.. ginamit ko na din ito pantakip sa mata ko.. para di naman nakakahiya kay Cyrus na nakikita niya akong nagkakaganito. Patuloy pa din ang pagluha ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon..

"Saan mo gusto pumunta?" narinig kong tanong nito.. hayyy.. saan nga ba?

"Kahit saan.. basta malayo sa lugar na to" nasabi ko na lang..

Di na siya kumibo.. at pinagatuloy na lang sa pagdadrive..

Ako nanaman.. sinusubukan kong pigilan na ang nararamdaman ko ngayon.. kasi wala rin namang manyayari kung iiyak at iiyak lang ako dito.. pero tangina lang.. ang sakit ng ginawa niya sa akin eh!

Gabi na nun nung makarating kami ni Cyrus sa pinagdalhan niya sa akin.. at doon ko lang napag alaman na dinala niya ako sa isang bar.. Hindi naman ako usually napupunta sa mga ganitong lugar.. so bakit kaya dito niya ako dinala?

Tinignan ko ito at mukang alam na niya ang itatanong ko

"Gusto mo makalimot di ba?" sabi nito

Hindi ako nakakibo.. kasi tama naman siya.. gusto ko makalimot.. makalimot man lang kahit saglit lang.. at makalimutan kahit saglit ang nararamaman kong sakit ngayon..

"Kaya dito kita dinala, so tara na?" alok nito

Wala na akong nagawa.. ayoko man dahil hindi naman talaga ako nag babar at lalong lalo na.. hindi ako umiinom ng alak.. ay gagawin ko ngayon.. Gagawin ko to para sa sarili ko.. Kahit ngayon man lang.. iisipin ko ang sarili ko..

Bumaba na kami ng kotse niya at pumasok na kami nung bar.. Pagkapasok na pagkapasok ko ng bar ay puro ingay ng tao at music lang ang maririnig mo.. maraming nagsasayawan sa gitna.. Nakahinto lang ako doon at nakatingin sa paligid nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako kung sino yun.. at nakita ko ang mukha ni Cyrus.

"This way" sabi nito

Wala na akong nagawa kung hindi magpahila dito.. eh hindi ko din alam kung ano gagawin ko eh! inosente ako sa ganitong mga lugar or let say na malimit lang akong pumunta sa mga ganitong lugar..

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now